CHAPTER 4

20.8K 784 62
                                    

[Miyukie’s P.O.V]

“Kuya, where did you get that kind of trash?” Naka-cross arm na tanong ng babaing maganda at kutis labanos. Straight ang buhok niya na may mapungay at maamong mga mata, manipis ang labi niya na may mahabang kuko na nilapatan ng iba’t-ibang desenyo. Naka maikling short lang siya ngunit wala kang makikitang peklat O kahit kalmot sa binti at paa niya. Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa lalaking may pangalan na John Axle.

“Under the bridge.” Tipid na sagot ni John Axle.

Pinasadahan ako ng tingin ng babaing maganda pagkatapos nakataas ang kilay niyang tumingin sa’kin. “What is your name?”

“Me?” Tinuro ko pa ang sarili ko.

Minsan talaga hindi rin maganda ang mandaya sa klase ang mangopya sa mas matalino sa kaklase mo dahil sa ganitong kalagayan hirap makipagsabayan. Tulad na lang ako. Naka graduate ako ng hindi masyasdong natutong mag-english at iba pang talakayan sa loob ng klase. Noong nag-aaral kasi puro pakiusap ang tita ko para ipasa ako dahil bukod sa mahina ang IQ ko palagi akong absent. Tumutulong kasi ako sa tita ko sa paghahanap buhay noon para hindi kami maging pabigat ng kapatid ko kaya madalas akong absent sa kaklase. Inaamin kong naka-graduate ako ng walang masyadong alam kung hindi ang magbasa at magsulat lang.

Inirapan niya. “What do you think?”

“I-I think… I-I’m okay! Yeah, I’m okay.” Patawa-tawa pa ako.

Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos umiling sila. “Idiot.” Sabi ng babae.

“Fritzie, wag mo na siyang kausapin baka mahawa ka pa sa pagiging tanga niya.” Sagot ni John Axle.

Matalim ko siyang tinitigan. Bakit ba nasali ang pagiging tanga? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

She sigh, “Mas mabuti pa nga.” Bigla itong tumalikod at umakyat sa hagdan patungo sa second floor ng malaking bahay nila.

“Nasaan na ba kuya si sir Frits?” Tanong ko kay John Axle.” Nang bumaba kasi ako ng kotse nila naunang pumasok sa loob ng bahay si sir Frits.

“Wag mo akong tawaging kuya hindi kita kapatid at lalong mas matanda kang tingnan sa’kin. Ang pangit mo na bobo ka pa.”

“Hoy! Nagtanong lang ako sa’yo ang dami mo ng sinabi. Dinaig mo pa ang babae na putak nang putak.” Inis kong sabi. Kung makapanglait kasi akala mo perfect na siya.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin si John Axle. “Oo, matangkad siya, gwapo, mapula ang labi niya, may dimples, chinito, maputi at makinis ang balat, mabango. Malakas ang sex apple. Malaki ang katawan may abs. Kapag ganoon ba perfect na? Hello? Hindi kaya.

“Anong tinitingin-tingin mo diyan? Gusto mo akong pagsamantalahan noh! Sapakin kita diyan.” Sabi ni John Axle.

Umiwas ako ng tingin. Kuyom ang kamao ko habang pigil na pigil ang galit ko. Sobrang yabang na talaga niya ang sarap na niyang gilitan sa leeg.

“Bakit hindi ka makatingin totoo di ba?”

Muli ko siyang tiningnan. “Isa’t kalahati talaga ang kayabangan mo F.Y.I ang panget mo sa paningin ko.”

“Panget ka na nga bulag ka pa. Pa-F.Y.I ka pa akala mo naman alam ibig sabihin.”

Napahalukipkip ako at pailalim akong tumingin sa kanya. “Of course! Alam ko ‘yon.” Pagyayabang ko pa.

Ngumisi ito. “Really? Ano ibig sabihin?”

Saglit akong napaisip. Ano nga ba ibig sabihin ng F.Y.I? For your Informatic ba or for you idiot?

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon