CHAPTER 16

18.9K 719 86
                                    

[John Axle's P.O.V.]

Kitang-kita ko sa mukha ni Miyukie ang pagkagulat sa sinabi ko gustong-gusto ko talagang pinaglalaruan ang damdamin niya tulad ng ginagawa ko sa mga babaing alam kong may gusto sa'kin. Walang dudang may gusto sa'kin si Miyukie kahit na nga pakipot siya sa'kin.

"I know naman na papayag kang maging boyfriend ako." Sa isip-isip ko.

Tumingin si Miyukie sa'kin. "Hindi ako papayag na maging boyfriend ka."

"What the fuck!" Napamura ako sa isip.

Siya lang ang babaing tumanggi sa'kin. Kahit kailan hindi ako tinatanggihan sila pa ang nagmamakaawa sa'kin.

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang namumuong galit ko sa kanya. "Bakit ayaw mo? Sobrang gwapo naman ako at kaya kong ibigay ang gusto mo." Sabi ko pa.

Nameywang siya at tumaas ang kanang kilay niya. May tinatago rin pala itong pagtataray sa katawan.

"Hindi ko gusto ang boyfriend na playboy, ayoko ng maraming kahati sa pag-ibig. Hindi ko pinapangarap ang gwapo at mayamang boyfriend. Dahil kapag namatay ang gwapo at panget sa ilalim ng lupa pa rin ang punta. Magkaroon lang ako ng tapat, hindi playboy at mabait na boyfriend kahit hindi gwapo siya pa rin ang gugustuhin ko."

Naikuyom ko ang kamao ko. Sampal sa'kin ang sinabi niya. "What do you mean? Gwapo lang ako pero pangit at playboy ako, Ganoon?"

Nagkibit-balikat siya. "Ikaw nagsabi niyan John Axle hindi ako."

Tatalikod na sana siya ngunit pinigilan ko siya. "Bakit ba masyado kang maarte? Hindi ka naman maganda." Sabi ko.

Inalis niya ang kamay ko. "Iyon nga e, bakit ba ang kulit mo? Nilalandi mo ako hindi ko naman gusto ang paglalandi mo sa'kin. Hindi ako tinatablan ng mga matatamis mong sinasabi sa'kin. Senyorito John Axle." Pinagdiinan pa niya ang sinabi niyang senyorito na labis kong kinainis.

"Mark my words Miyukie. Hahabol ka rin sa'kin."

"Hayop lang ang humahabol sa amo niya. Panget siguro ako pero hindi ako hayup kaya wag ka ng umasa." Nakangisi nitong sabi. Sabay talikod sa'kin at pumasok ng kwarto niya.

"Fuck!" Inis kong sambit nang makaalis siya.

Sa unang pagkakataon may uminsulto sa'kin. Hindi ko mapapalampas ito. "Sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa'kin!"

Pumasok ako ng silid at patihayang humiga sa kama. Nakatingin ako sa kisame habang nag-iisip kung paano ko makukuha si Miyukie. Sa katulad niyang panget siya pa ang may lakas ng loob na tanggihan ako.

Napangiti ako nang may bigla akong naisip. Tumuwag ako sa telepono ng mansiyon namin. Ilang saglit pa sinagot na ni Miyukie ang tawag.

"Hello, Santiago resident this is Miyukie."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Miyukie, may ginagawa ka ba?" Tanong ko.

"Kayo pala sir John Axle. Nagliligpit po ako ng gamit bakit po?"

"Pumunta ka sa kwarto ko may nabali yata sa likuran ko sobrang sakit ng likod ko. Pwede ka bang pumunta rito?"

"Hindi naman ako manghihilot anong magagawa ko diyan. Tatawag na lang ako ng massage theraphy." Sabi ni Miyukie.

Nanggigil ako sa sinabi niya kung pwede nga lang sugurin siya sa kwarto niya. Nagiging palasagot na kasi siya sa'kin.

"Please..." ginamit ko ang paawa tactics ko. Ayaw ng batas militar eh.

"Hayss! Sige na nga pupunta ako diyan sa kwarto mo, maghintay ka lang."

Kung nakikita lang niya kung gaano ang ngiti ko ngayon. "Salamat." Sagot ko.

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon