CHAPTER 3

22.3K 790 43
                                    

[Miyukie's P.O.V]

MALAMIG na hangin ang dumampi sa aking balat nang bumaba ako sa bus. Naka-jacket na ako ngunit dumidikit pa rin sa balat ko ang lamig. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti tanaw na tanaw ko na kasi ang bahay ng Tita ko.

Nakarating din sa wakas.” Bitbit ko ang tatlong bag at dalawang plasik na puro pasalubong ko sa kapatid kong si Huber at sa tita ko ang dala-dala ko. Nagtatakbo ako kahit hirap na hirap ako sa bitbit ko.

Tita Selena! Tita!” Sigaw ko mula sa labas ng bahay.

Alas kwatro pa lang ng madaling kaya wala pang tao sa kalsada ngunit alam kong gising na si Tita Selena dahil maaga itong bumabangon.

“Tita Selena!” Kumatok ako sa pintuan ng bahay namin.

Agad naman akong pinagbuksan ng pintuan. Isang ngiti ang sinalubong ko sa kanya. “Magandang umaga tita Selena.” Bati ko sa kanya.

Malapad na ngiti ang tinugon niya sa’kin. “Miyukie!” Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. “Mabuti na lang at dumating ka na.” Tinulungan niya akong magbibit ng mga dala-dala ko.

Agad naman akong pumasok sa loob ng bahay upang hanapin ang kapatid kong si Hubert miss na miss ko na kasi ang kapatid kong iyon.

“Wala si Hubert dito Miyukie.” Malungkot na sabi ni Tita Selena.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. “Nasaan po ang kapatid ko?”

May namumuong mga luha sa mata ni Tita Selena nang tumingin sa’kin dahilan para mapaluha na rin ako.

“Tatlong na araw na siyang nasa hospital si Miyukie na dengue siya.”

“P-Po? Nasa hospital siya?” Sabay iyak ko.

“Wag kang mag-alala dahil maayos na siya ngayon. Pinabantay ko lang siya sa kapitbahay natin ngayon para mag palit ako ng damit at para na rin sana maghanap ng bibili ng bahay na ito para pang bayad sa bill ni Hubert. Sabi kasi ng doctor. Bukas daw maari na siyang lumabas. May mga kailangan lang bilhing gamot para tuluyang gumaling niya. Nasa private hospital pa naman siya ngayon. Kulang kasi ang mga medical equipment sa hospital ng bayan kaya doon ko siya naitakbo.”

“Gusto ko po siyang makita Tita.”

“Halika sasamahan muna kita doon.”

Tumango ako at agad naming pinuntahan ang kapatid kong si Hubert. Nasa jeep pa lang ako iyak na ako nang iyak dahil sa sinapit ng kapatid ko kahit na nga alam kong maayos na siya. Hindi ko ito inaasahan na mangyayari sa kanya. Nang dumating kami sa hospital tulog pa rin ito. Hinalikan ko siya sa noo habang hawak ang kamay niya.

“Twenty thousand na ang bill niyo ngayon Selena.” Sabi ng kapitbahay namin. Inabot pa kay Tita Selena ang reseta ng gamot na bibilhin. “Kailangan niyo raw itong bilhin.”

“Tatlong araw pa lang kami rito twenty thousand na ang bill. Itong reseta niya mamaya ko na lang siguro ito bibilhin maghahanap muna ako ng buyer ng bahay namin para makalabas na si Hubert bukas.” Sabi ni Tita Selena.

“Dumukot ako sa wallet ko at inabot ko kay Tita Selena ang dalawang libo.

“Tita bilhin niyo na po ngayon ang gamot ni Hubert, sabihin niyo lang kung kulang pa ‘yan. Wag niyo na rin isipin ang bayarin dito ako na po ang bahala.”

“Sigurado ka Miyukie? Malaking halaga ang kailangan natin.”

Tumango ako. “Opo. Maraming salamat po aling Nena sa pagbabantay sa kapatid ko.” Inabutan ko ito ng limang daang piso ngunit tinanggihan niya ito.

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon