Chapter FORTY-FIVE --> Missing <--

17.1K 256 15
                                    

============> Chapter FORTY-FIVE --> Missing <--

[ Cassidy’s POV ]

 

 

     La Costa Estate. 7:12 PM.

     Kumakain kaming lahat ng dinner. Sina Tita Carol, Tito Ricky, Mama, Papa at pati si Brye, na nasa harapan ko.

     *krriiing krrriiing*

     Nahinto yung masayang usapan ng parents namin. Kinuha ni Brye yung cellphone niya at saka tumayo. “Excuse me,” sabi niya at saka lumabas ng dining room.

     “Napaka-busy pala ng magiging manugang namin,” natatawang sabi ni Mama.

     “Ay naku oo, kailangan kasi niyang tutukan yung kompanya namin sa London.” Tita Carol

     Parang nangiwi ako ng kaunti sa sinabi niya. Nakakasakal naman pala yung buhay ni Brye. And that’s EXACTLY the reason why I left home. Pero... Dito din pala ako babagsak...

     Sa dati kong buhay...

 

 

     Sumubo ako ng isang kutsara. Walang lasa yung soup. Gusto ko pa yung mga nabibili namin nung kambal-engot sa convenience store eh. ( > __ < )

     O baka naman talagang... Nasanay na ko sa simpleng pamumuhay?

      “Haha, eh baka naman mawalan na ng time si Bryan kay Cassidy?” Mama

      “Naku hindi mare, sinasabi ko sayo, mabait si Bryan, kaya niyang bigyan ng oras ang asawa’t anak niya.” Tita Carol

     Lalo naman akong napangiwi sa sinabi niya.

     Asawa’t anak...

 

 

     Ang hirap isipin...

     Oo, first love ko si Brye, pero.. God ang tagal na nun! Madami nang nagbago.. Iba na mahal ko... Iba na... Pero...

      *sigh*

GIRLFRIEND 4 SALE [fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon