Chapter 9

1.6K 15 1
                                    

Nakailang shoot din si Kim pero talagang magaling si Xian at natalo nanaman sya nito."Ano ba yan! palagi ka na lang nanalo,ang daya mo kasi eh!" reklamo ni Kim. "Hindi ako ng daya ah!Talaga lang magaling ako sa basketball.So..about dun sa parusa..."sabi ni Xian. "Please, wag mo akong pahirapan." nagmamakawang sabi ni Kim at lumuhod pa. "Tumayo ka nga dyan! Baka akala nila  ano na ang ginagawa ko sa'yo."sabi ni Xian at tinayo si Kim."Don't worry hindi kita papahirapan...ang parusa mo is...Hug....and Kiss."sabi ni Xian."Pwede bang hug na lang?"tanong ni Kim. "Ah uh"sabi ni Xian sabay iling."Ikaw ang nagsabing may parusa pag natalo."sabi ni Xian. "Xian naman eh!" sabi ni Kim. "Too bad! Sige na, hug and kiss."sabi ni Xian sabay turo sa pisngi.

Lumapit na si Kim at niyakap si Xian sabay takbo."Kulang pa hoy!"sabi ni Xian habang hinahabol si Kim.Naabutan nya ito at yinakap sa likod."Let go of me!" sigaw ni Kim habang tumatawa."Ayaw mo kong bigyan ng kiss ah,pwes ako na lang ang hahalik sa'yo."sabi ni Xian hinarap nya si Kim at unti unting lumapit.Pumikit si Kim.Sus wag naman po sana sabi ni Kim sa sarili.Naramdaman ni Kim ang labi ni Xian sa kanyang pisngi."Bakit pumikit ka pa?"tanong ni Xian."Ah...wala."sabi ni Kim pagkatapos syang halikan ni Xian sa pisngi."Akala mo siguro..."sabi ni Xian."Hindi ah!Kapal ng mukha mo!"sabi ni Kim habang namumula.

"Umuwi na nga tayo"sabi ni Kim."Maaga pa ah"sabi ni Xian "May lakad kaya kami ni Alyssa."sabi ni Kim.Bigla namang nalungkot si Xian sa sinabi ni Kim."Uy,wag ka ng magtampo,akala ko ba napag-usapan na natin to?"sabi ni Kim "Sige na,umuwi na tayo."malungkot na yaya ni Xian.Naglakad sila pauwi ng tahimik.Nabagabag namn si Kim sa katahimikan kaya....hinalikan nya si Xian sa pisngi.Nagulat naman si Xian sa ginawa ni Kim.Tumigil muna sya sa paglalakad at hinawakan ang pisngi nya.Nagtaka si Kim kung bakit huminto si Xian kaya tinignan nya ito.Natawa sya ng nakita si Xian na namumula at abot tenga ang ngiti.

Linapitan nya ito at tinanong."Okay ka lang?"tanong ni Kim na pinipigilang tumawa."Ah...Oo..oo."sabi ng nakangiting si Xian."Sus,yunglang pala ang katapat ng pagtatampo mo."sabi ni Kim."Psh.."sabi ni Xian.Naglakd na ulit sila pauwi.

Hinatid muna ni Xian si Kim sa bahay nila."Thank You sa pag-sundo at hatid."pasasalamat ni Kim."Wala yun."sabi ni Xian "Sige,bye"sabi ni Kim."Bye.."sabi ni Xian "Ah..Kim"sabi ni Xian."Ano?"tanong ni Kim.Lumapit si Xian sa kanya at bumeso."Ikaw talaga ah!Nakakarami ka na."sabi ni Kim sabay kurot sa tailiran ni Xian.Hindi naramdaman ni Xian ang kirot at umalis na.Pumasok na si Kim sa loob at kumain muna.

"Oh,anak,dumating ka na pala."sabi ni Emma."Ah..opo nay,kakarating ko pa lang po."sabi ni Kim "Kumain ka na ba?"tanong ni Emma sa anak."Opo..magpaphinga lang po ako ng konti at maliligo ulit,pupunta po kasi kami ni Alyssa sa mall eh."sabi ni Kim "Kasama nyo ba si Xian?"tanong ni Emma "Ah..hindi po..kami lang po ni Alyssa"sabi ni Kim."Isama nyo a si Xian para may magprorotekta sa inyo."sabi ni Emma. "Sige po tatawagan ko na po siya." Pumanik na si Kim at tinawagan agad si Xian.

Sinagot agad ni Xian ang telepono ng makita kung sino ang tumatawag."Oh Kim,napatawag ka?"tanong nito. "Ah..Xian busy ka ba?" "Hindi naman..bakit?"tanong ni Xian "Sinabi kasi ni Mama na isama ka na raw namin ni Alyssa sa mall eh.Para daw may magproprotekta samin."sagot ni Kim."Sabi ko sayo eh! Oo sige sasamahan ko kayo"sabi ni Xian."Sige,thank you,bye"sabi ni Kim at binaba na ang telepono.

Sa bahay ni Xian...

"YES!!!"sigaw ni Xian ng maibaba ang telepono.Bigla namang kumatok ang kanyang mommy."Anak,okay ka lang ba?" tanong ni Mary Anne sa anak."Ah..opo.Mommy,pwede po bang magdinner dito si Kim on friday?" tanong ni Xian "Sige,magluluto ako.Bakit ka sumigaw?Ano ang okasyon?"tanong ng mommy nya."Thanks mom,ah..wala po..saka birthday po ni Kim on Thursday may party po siya,invited nga po tayo eh." "Talaga?! Bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Xian naman oh!"sabi ni Mary Anne."Nalaman ko lang po yesterday...nagkatampuhan po kasi kami eh."sabi ni Xian "Ayos na ba kayo?Ano nanaman ginawa mo?" tanong ni Mary Anne "Mommy naman eh,nagtampo lang ako na agad may kasalanan?Ako po ang nagtampo at opo,ayos na kami."

Childhood Love(KimXi)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن