Ilang minuto pa dumating na si Soobin dala ang mga ice cream na inorder niya. He placed the choco ice cream to Ryu and himself. Ibinigay niya sakin yung strawberry flavored ice cream.

This is my favorite flavor. Naalala ko dati nung nagdala ako ng ice cream sa school at patago ko tong kinain sa desk ko. Soobin went over and ate my strawberry flavored ice cream. Inaway ko siya at sinabing favorite ko yun that's why ayokong may nakikihati. So he remembered after all.

Nilantak ni Ryu ang ice cream niya. Takam na takam siya. Kumalat yung ice cream sa paligid ng bibig niya. He is so cute.

"Hey kid, may kalat ka ng ice cream sa bibig. Ang panget mong tignan."

Komento ni Soobin. Ryu pouted.

"Eh ikaw rin naman kuya. May kalat din sa mukha mo. Pareho na tayong panget."

Tinignan ko si Soobin at totoo ngang may kumalat din na ice cream malapit sa bibig niya.

"Saan?"

He asked.

"Dito po."

Tinuro ni Ryu yung left. Pinunasan naman yun ni Soobin. Pero mas lalo lang tong kumalat.

Ryu laughed pati rin ako.

"Wae? Why are you laughing?"

Walang ka idea idea niyang tanong.

"Ako na."

Ani ko at kumuha ng tissue at pinahid ito sa smudge. My attention got caught by his lips. It is small and naturally pouty. Bumilis ang tibok ng puso ko nung naalala ko yung paghalik niya sakin.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Tapos na."

Sabi ko at kumuha ulit ng tissue para punasan ang smuge sa mukha ni Ryu. In my peripheral vision, I saw Soobin staring at me.

Ryu looked at him then me. He looked again at Soobin.

"Kuya Soobin, bakit mo tinititigan si ate?"

Tinignan niya si Ryu.

"Because she is beautiful."

Ryu nodded innocently.

"Dapat ko rin po ba siyang titigan?"

Soobin smiled at him.

"Ani, si kuya Soobin mo lang ang pwedeng tumitig sa ate mo."

Kumunot ang noo ni Ryu.

"Bakit po?"

Soobin looked at me. Tumingin din ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit but I suddenly found myself anticipating for his answer.

"Because her beauty is only for my eyes to see. Your ate Suri is mine and mine alone."

----------------------------------------------------------

Naglalakad na kami pauwi. Karga karga ni Soobin si Ryu. He is sleeping. Tahimik lang kaming naglalakad.

"Bakit mo sinabi yung kanina?"

Napalingon si Soobin sakin nung nagsalita ako.

"Ang ano?"

Tumingin ako sa kanya.

"Na sayo lang ako."

Napatahimik siya. Nag-iwas ako ng tingin.

"Alam mo Soobin, hindi na kita maintindihan. Akala ko ba mahal mo si Lia pero bakit ginagawa mo sakin to? Why are you acting like we are in good terms na para bang hindi ka nakatali sa iba?"

I half shouted. Gumalaw naman si Ryu pero buti na lang di ito nagising.

"Let's not talk about this. Baka magising pa yung bata."

Pag-iwas niya. I sighed in disbelief.

"Yeah right. Let's do that. Pero sinasabi ko sayo ayokong sumali sa mga laro mo."

Ani ko at akmang maglalakad ulit nung hinawakan niya ang wrist ko.

"I can't explain everything to you right now but I need you to trust me. I'm playing no games to you. Hindi kita pinaglalaruan. Kaya panghawakan mo lang ang pagmamahal mo sakin. Trust me on this Suri. I need you to trust me."

Hindi ako umimik. I can see that he is sincere in his every words. Pero mali pa rin. Ayoko ng umasa. Ayoko ng masaktan. Tanggap ko na second option lang ako sa buhay ng iba. I'm nobody's priority. I'm nobody's world either.

"Nandito na tayo. Akin na si Ryu."

Ibinigay niya sakin si Ryu.

"Kamsahamnida."

Pasalamat ko at nagbow ng also slight. Akmang aalis nung tinawag niya ako.

"Suri..."

Lumingon ako sa kanya. Lumapit siya sakin and kissed my forehead. After that he looked at me. Eye to eye. Full of sincerity.

"I will miss you. Wait for me okay?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Papasok na kami."

Cold kong sabi at pumasok sa gate. Nakatingin lang siya sakin. Siguro tama na'to. Siguro panahon na para putulin ko na kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa. It's time to let go. It is the right thing to do.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now