50k Boyfriend 10

590 18 1
                                    

50k Boyfriend 10

The Contract.

Krystal POV

" 50k Boyfriend Contract.

Rule # 1. BE FAITHFUL. "

" Anong klaseng rule yan? " reklamo na naman ni V. Ginabi ako sa pag gawa ng kontratang ito. Bakit ba hindi na lang siya manahimik? Baka nakakalimutan niya, siya ang may utang! Kaasaran! Kalalaking tao, daming arte.

" Tumahimik ka na lang at makinig. Rule #2. NO TORID KISS, NO SKINSHIP RELATIONSHIP, not until it is necessary to do. " a sudden smirked formed in his lips. Mabuti na lang at gwapo siya, kung hindi iisipin kong minamanyak niya ako sa pag ngisi niya.

" Maybe I should always call Francis so we could have a little skinship… "

" Shut up! Pervert! "

" Baka ikaw. Aminin muna, sinama mo yang rule na yan para maka tsansing sa akin, may nalalaman ka pang not until it is necessary to do. " tinaasan ko lang siya ng kilay sa sinabi niya, hold your grip Krystal, masanay kana sa kapilingan ng lalaking yan.

" Alam mo Miss nuts, kung hindi ka maka move on kay Francis, aminin mo na lang na gusto mo talaga ako, everything's going to be fine then, I'll try my best to like you, para naman hindi lang one sided yang nararamdaman mo. " binato ko sa mukha niya yung throw pillow na nandito sa sofa. Ang feeeeeeeeeeelllllliiiiiiiiinnnnnng asar!

Sinabi ko kasi sa kanya yung about sa amin ni Francis and I have to para alam niya kung sino ang dapat kong layuan at dapat niyang artehan. Sasabihin ko na ang totoo. Tao din ako, may feelings! Nasasaktan! Alam ko namang may nararamdaman pa din ako kay Francis, four years yun at hindi ganun kadaling kalimutan na lang ng basta basta ang apat na taon naming pinagsamahan. Buong apat na taon kay Francis lang umikot ang buhay ko.

At para maka move on ako, I need someone, someone who can heal the pain that Francis left. At hindi ko maintindihan kung bakit si V ang naisipan ko? Maybe because I'm at ease with him, hindi halata ang pagpapanggap namin dahil komportable naman kami sa isa't isa.

Alam kong parang mas lalong gugulo ang sitwasyon ngayong sinama ko si V, anong magagawa ko? I have pride too! Masakit makita na siya lang ang parang walang paki sa pinagsamahan naming apat na taon, to think na halos ka be-break lang namin ay may bago na siya. Well hindi siya nag-iisa dahil may V din ako! Yun nga lang, sobrang feeling. Mapag tiyatiyagaan naman 'to. Kaya okey na din.

" Rule #3. The contract will not be terminated as told by Krystal Guevara. "

" That's absurb, anong gusto mo ? Buong buhay kong ialay ang sarili ko sa'yo? "

" Edi bayaran mo yung 50k para wala na tayong pinag-uusapan pa dito. "

" Akin na yung kontrata pipirmahan ko na. " ang dali talaga niyang kausap. Hahaha! Akala niya maiisahan niya ako, alam ko namang wala silang pera dahil sa Lolo niya. Ang Lolo lang naman niya ang taga hawak sa pera nila. Strict Governor. At isa pa, binantaan ko siyang isusumbong kong drag racer sila pag hindi siya pumayag sa kontrata. Katakot niya lang mawala ang mga sasakyan niya.

Pinirmahan na niya agad ito.

" Umuwi kana gabi na matutulog na ako. " pagpapalayas niya sa akin, tinaasan ko siya ng kilay at finold ang kamay ko.

" E to the E. EXCUSE ME! Hindi moba ako hihahatid? Gabi na. " tinuro ko pa ang bintana nila, ang dilim dilim na kaya tapos papaalisin niya lang ako? Isa siyang malaking HELLO!

Tinignan naman niya ako na parang kinikilatis ang buong pagkatao ko.

" You have eyes, you have nose, you have lips, you even have feet to walk anong problema mo ba't hindi mo kayang umuwi ng mag-isa? And don't worry, hindi ka nila pagsasamantalahan, you're not even beautiful. " saad niya sabay lakad paalis sa harapan ko. What the hell is wrong with him!?

50, 000 Boyfriend [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon