50k Boyfriend : Kabanata 2

772 23 3
                                    

Dragster.

Sumunod ako kay Goku, hindi ko maintindihan kung bakit ba sumusunod pa ako sa kanila? Asar lang, sino ba sila para sundan ko? Kainis kung alam ko lang pauwi ng bahay hindi ako susunod sa kanila, tsaka hindi ko na nakita kung saang lumalapop ba nila ako dinala, hindi ko na alam ang daan pauwi kina Lolo, tingin ko naman sikat ang mga Guevara dito kaya for sure alam ng tatlong ugak na 'to kung saan ako ihahatid.

Napansin ko naman na hindi kami dumiretso sa mga motorcycles nila. May tatlong kotse ang muntik ng magpaluwa ng mata ko. The heck! These three cars are so impossible to be here! Ang mamahal ng mga yan! Bakit ganun? Bakit parang ang yayaman nila! Pero ang babata pa nila ako nga walang kotse.

Pumasok si G sa isang Ferrari na kulay asul, si D naman sa isang Chevrolet na dilaw at ang huli ay si Goku na nakatayo sa isang itim na BMW, big time ba sila? O mga magnanakaw na biglang yumaman dahil nga magnanakaw sila. Hindi malayo, e wala ngang ibang tao dito sa mala mediterrean mansion nila.

Umalis na sina G at D, si Goku pumasok na sa loob ng maganda niyang mukhang bagong nakaw na BMW, pero kung magnanakaw sila? Bakit ganun? Bakit hindi man lang ako natatakot? Psh. Bahala na nga, wala din naman silang mananakaw sa akin.

Kainis lang 'tong Goku na 'to, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Gwapo nga hindi naman gentleman. Hindi katulad ni Francis, gwapo na gentleman pa. Bwisit bakit napasok si Francis dito!? Francis na pangit! Walang utak! Hampas lupa! Hmmp! Mamatay na siya.

Padabog akong pumasok sa BMW ni Goku.

" Guevara's Residence. " sabi ko ng nakatingin sa bintana.

" Excuse me? " tinignan ko siya at tinaasan ng kilay, anong excuse me pinagsasabi nito? Hindi niya ba na-gets yung sinabi ko? O bingi siya? Binging probinsyanong gwapo na may kotseng mukhang bagong nakaw. Naks naman, akalain mong ang ganda ng unang araw ko sa Trison nakatagpo ang tatlong nuts.

" Do I need to repeat it? "

" What? " tinaasan niya ako ng kilay. Kaya mas lalo kong tinaas ang kilay ako, ano ako papatalo sa kanya? Manigas siya!

" Wag mo kong artehan dahil sa story na 'to ako lang ang pwedeng mag-inarte. Sa bahay ng mga Guevara mo ako ihatid. " I said while rolling my eyes. Nag smirk naman siya sa sinabi ko. Weird pero pakiramdam ko tumaas ang mga balahibo ko.

" Sure. But not that soon, maybe I can send you home after this. " bigla siyang lumapit sa akin, I can almost feel his breathing! Dang! Bakit ang bango ng hininga niya? Anong scent ba yun? Tsa-tsaka yung amoy niya amoy ng jacket na ibinato niya sa akin kanina, sa kanya ba 'to, 'tong suot ko!? Napapikit ako sa hindi ko malamang dahilan at lapit lapit niya kasi sa akin, hindi ko keri, para akong naghihina sa bango niya at narinig ko na lang ang biglang tunog na *click*.

" Do you think I will going to kiss you? " napabalikwas ako at napabukas ng mata, naramdaman ko na lang na may seatbelt na ako.

" What? Kapal your face, ako iisipin na hahalikan mo? Like D to the U to the H. Wag kang feeler. " tinignan naman niya ako bigla mula ulo hanggang paa. Nakakabadtrip! Yung tingin niya nakakainsulto parang nangdidiri siya sa akin, ako si Krystal? Pandidirian ng isang probinsyano! Like Duh to the H talaga! Kumukulo na ang dugo ko sa kanya. Nakaka disappoint lang kasi yung ginawa niya, akala ko pa naman nanakawin niya yung first kiss ko. Ha? Wait lang... ano bang pinagsasabi ko? Hindi makatarungan 'to otor!

" Tss. Crazy nuts... " I closed my eyes and calm myself. Relax Krystal, tatanda kang maaga pag pinatulan mo siya. Hindi siya dapat pinag-aaksayahan ng panahon ng oras or ng kahit anong minuto at laway at lakas! Isa siyang malaking urgh!

Pinaandar niya na yung kotse. At dahil mukhang eksperto siya sa pagpapaharurot ng kahit ano mang uri ng sasakyan ay napahawak na lang ulit ko sa seatbelt ko at napapikit. Lechugas lang dahil kapag ko namatay ng ganito kaaga hindi ko patatahimikin ang buhay niya!

50, 000 Boyfriend [ ON-GOING ]Where stories live. Discover now