50k Boyfriend : Kabanata 3

761 14 1
                                    

Governor's grandson.

Isang linggo na ang lumipas simula ng makilala ko yung tatlong nuts. At sa loob ng isang linggo ay hindi ako nakatulog ng mabuti. Sa tuwing pipikit kasi ako ay maaalala ko yung pangyayari noong 10 years old ako, that incident made me almost lost my insanity for almost a year. Muntik na akong mabaliw nun, because of that stupid car accident that we had. Urgh! Ayaw ko ng alalahanin, past is past wala ng dapat pang balikan, at isa pa magaling na ako ngayon.

Bwisit kasi yung Goku na yun! Kung hindi niya ako sinakay sa kotse niyang mukhang bagong nakaw hindi ako magkakaganito!

Pagkatapos kasi ng mala life and death stunt niya sa car niya ay niyakap niya ako, at pagkatapos niya akong hinalikan at niyakap niyakap ay iniwan niya ako kay G. Ang kapal ng mukha niya grabe... siya na ngang nakalibre ng halik at yakap, siya pang may ganang mang-iwan. Kainis! Para siyang si Francis na bwisit!

At take note hindi pa ako fully recovered ng ihatid ako ni G sa bahay, para akong kawawang naka blank stare sa loob ng kotse ni G. Salita pa ng salita si G at tanong ng tanong kung okey lang daw ba ako. Gusto ko sana siyang sigawan na ' Okey!? Okey!? Nuts ka pala talaga e, muntik na naman akong bumalik sa dati dahil sa ginawa niyo! ' pero hindi ko yun sinabi, wala na akong lakas para makipagtalo at isa pa, di naman nila alam kung ano ba yung nangyari sa akin dati.

Mukhang alalang alala pa nga si G, kasi hindi ako nagsasalita, tapos ayun nag kwento lang siya ng nagkwento, na si Goku at si V ay iisa at siya ang King of Dragster sa Trison, kaya lang naman daw niya ako sinama sa drag racing ay dahil kapag nag sama ng girlfriend si V ay maibabalik niya ang title niya as the King of Dragster na pinangalagaan niya ng apat na taon, at pag natalo niya pa si Evan yung mukhang palaka ay mababawi niya ang lahat ng perang natalo nila sa mga nakaraang laban nila.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan ng girlfriend para maibalik ang pagiging King niya, tsaka yuck! Anong King King ang nalalaman nila? Mga probinsiyanong tagilid ang pag-iisip, kung anong nalalaman nila. Tsaka panigurado naman na madali siyang makakahanap ng girlfriend ang gwapo kaya niya, huh? Gwapo? San galing yun? Oo na gwapo na , bakit ako pa yung ginamit niya?

Panigurado na starstruck sa beauty ko yung sira ulong V na yun kaya ako ang ginamit. At buti na lang din, kilala ang mga Guevara dito. Kaya madali akong naihatid ni G.

Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ko, itinakip ko ang kumot ko at nagkunwaring natutulog.

" Krystal? Are you still sleeping? " it's my Dad's voice. Kahit hindi sabihin ni Daddy ay nag-aalala din siya sa akin, simula kasi nang dumating ako galing sa paglalakad sa Trison ay nagkulong na lang ako dito sa kwarto ko, isang linggo din yun, isang linggo din akong parang wala sa sarili. Hindi ko naman kasi maintindihan 'tong kamay ko, nanginginig pa din talaga ako sa tuwing humahawak ako ng kahit anong bagay na maliliit at nawawalan ako ng kontrol, naging ganito ako after ng aksidente noong 10 years old ako at ngayon bumabalik na naman. Kailangan kong matanggal 'to bago pa malaman ni Daddy.

" Krystal if you're going to be like this, I will call your Mom to fix your papers to England. You don't have to stay here in your room and act so weird I can't stand seeing you like this. " napaupo ako sa kama ko bigla, asar naman, ayaw kong pumunta ng England, para saan pa? Para ipa alala sa akin ng England na yan na mag-isa ko lang dahil iniwan ako ng boyfriend kong bwisit!? Parang pinamukha na din ng England na yan na isang Krystal Guevara ay mag-isang naglalakad sa England dahil brineak siya ng napakagwapo niyang boyfriend. Wow lang! Asan ang enjoyment dun!?

" I'm sorry Dad, nag co-cope pa kasi ako, hindi lang po kasi ako sanay dito sa probinsya at wala po akong friends. " lumapit siya sa akin at umupo siya sa gilid ng kama.

50, 000 Boyfriend [ ON-GOING ]Where stories live. Discover now