50k Boyfriend : Kabanata 1

1.1K 30 0
                                    

Probinsyano.

Agad ko ding nakita ang Lolo ko na may hawak hawak na tungkod na nakatayo sa may pinto. Kulay puti na ang lahat ng kanyang buhok, kayumanggi ang kulay ni Lolo, sa edad niyang walumput isa ay mukha pa din siyang malakas. Wala na ang Lola ko, she died 3 years ago because of colon cancer. At nalulungkot ako para kay Lolo kasi pakiramdam ko ay nabusted din siya ng iwan siya ni Lola. Parang ako, iniwan ako ni Francis, iniwan niya ako sa kabila ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya.

" Krystal, go greet your Lolo, he's waiting for you. " ani Daddy na tumutulong sa mga maid sa pagbaba ng gamit namin.

Lumapit ako kay Lolo at niyakap siya. Kahit na minsan ay may pagkamatigas ang ulo ko at mukhang bratinela ako ay mapagmahal naman akong apo at anak.

" Long time no see Lolo. " una ko at ngumiti na naman siya. Cool si Lolo hindi siya katulad ng mga Lolo sa tv na nakakatakot na hindi mo mabiro. Sa tuwing namamasyal si Lolo sa Manila lagi ako ang kausap niya. Gusto daw niya kasing maintindihan ang mga kabataan sa modernong panahon, at ako ang lagi niyang ini-interview. Tulad na lang nang pag tatanong niya kung ano ba ang dota. Dota na hindi ko din maintindihan kung bakit kinaadikan ng mga kabataan ngayon.

" Krystal nung dalaga ang Lola mo, mas maganda siya sa'yo. Pero sa itsura mo ngayon, alam kong marami kang lalaking mapapaiyak. " pambungad niyang sermon. Sermon nga ba? Tsaka ako maraming mapapaiyak? Kung alam mo lang Lo na ako ang umiiyak ng dahil sa hindi dapat iniiyakang lalaki.

" Lo alam ko yun, mana kaya ako sa kagandahan ni Lola yun nga lang mas maganda pa din siya, tsaka bakit? napaiyak niya ba kayo nung nanliligaw ka sa kanya? " inalalayan ko siyang maglakad at pumasok kami sa loob ng bahay. Malaki din ang bahay ni Lolo. Sa sobrang laki, nalulungkot ako para sa kanya, kasi siya lang ang nakatira dito. Ang hirap kaya ng walang ibang kamag-anak na kasama sa bahay.

" Hindi. Siya ang umiyak noon dahil nakipag break ako sa kanya. " bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan ko. Umupo si Lolo sa isang rocking chair na mukhang may kalumaan na.

" Okey ka lang ba apo? Bakit parang namutla ka? " nginitian ko siya ng pilit.

" Lo lalabas muna po ako, magpapahangin lang saglit. " paalam ko sa kanya. Para kasing bigla akong nahirapang huminga sa loob ng bahay.

Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan at tanungin si Lolo kung paanong naging sila ulit ni Lola pero ayaw ko ng malaman. Dahil pakiramdam ko aasa lang akong babalikan din ako ni Francis. Iba na ang panahon ngayon, hindi na tulad sa panahon ni Lolo dati, kung dati madaling makipagbalikan ang isang babae sa lalaki, ngayon hindi na pwede.

Hinding hindi na pwede! Dahil sa panahon ngayon, katangahan yun. At kapag ang isang lalaki ay sinaktan ka. Matuto kana. Sinaktan kana nga tapos babalikan mo pa? Hindi ba katangahan yun?

' Sorry Lola pero tanga pala kayo bakit niyo binalikan si Lolo? Sinaktan na nga kayo! Sabagay baka uso ang salitang katangahan nun. You're forgiven Lola, malay ko ba sa panahon niyo. Moderno na ngayon. Hindi na uso ang tanga kapag naiinlove. Babae nga ngayon nambubugbog na din. '

At isa pa gagaling ang sugat maaring tanggalin ang peklat sa pamamagitan ng surgery ganun ka moderno ngayon, kaya walang dahilan para makipagbalikan. Dahil panigurado mawawala din ang sakit na 'to sa paglipas ng panahon.

Sariwa man ang sugat sa puso ko ngayon at alam kong nasasaktan pa ako, pero sa paglipas ng mga araw malilimutan ko ding may Francis na dumaan sa buhay ko. Maghihilom din ang sugat at panigurado makakahanap din ako ng lalaking hindi ako iiwan.

Naglalakad ako sa labas, sementado na ang daan may mga tubig tubig sa ibang parte ng sementadong kalsada siguro ay umulan dito kagabi, at paglilingon ako sa gilid ko ay puro bukid na ang makikita ko, lahat ay kulay berde may mga kalabaw akong nakikita. Ang lalaki pala talaga nila sa personal. At hindi pa masyadong dikit dikit ang mga bahay dito.

50, 000 Boyfriend [ ON-GOING ]Where stories live. Discover now