50k Boyfriend : Kabanata 8

631 24 2
                                    

50k Boyfriend : Kabanata 8

Gio POV

Late na kaming nakauwi nila V at Dein. Pagkatapos ihatid ni V si Miss nuts kagabi sa bahay nito ay naging tahimik na lang si V. Hindi ko naman siya matanong tanong dahil mukha siyang badtrip at kagabi pa siya mukhang wala sa mood ng dumating siya sa bahay. Si Dein sa sobrang kalasingan ay tulog pa hanggang ngayon.

Nakita kong pumunta sa sala si V pagkatapos niyang kumuha ng cereals sa kitchen. Sinundan ko siya at umupo sa tabi niya sa mahabang sofa.

Tahimik niyang binuksan ang tv at tahimik lang din siyang nanuod at kumain. May mali e, kagabi lang parang okey pa siya. Simula ng ihatid niya si Miss nuts sa kanila naging ganito na siya.

" V anong balak mo kay Miss nuts? "  tanong ko na nakatigin sa tv.

" Nothing. " tipid niyang sagot. Pambihira, nothing? Anong klaseng sagot yun?

" Kagabi halos tunawin mo na si Miss nuts sa titig mo. Anong nothing? Obvious na may gusto ka sa kanya. "

" I don't have, besides she's not my type. " sagot niya na nakatitig sa tv. Sinunghaling. Hindi daw type. Alam ko kung paano tumitig ang lalaking inlove. Lalaki din ako.

" Denial is the first sign of addiction. Obvious na addicted kana sa kanya. Sleepless night by just thinking about her, sign na yan Dude, pinsan mo ko V kaya hindi pwedeng hindi ko mapansin ang pagbabago mo. " lagi ko kasi siyang nahuhuling gabi na kung matulog, lagi kasi akong lumabas pag madaling araw, napahinto siya sa pagkain ng cereals niya.

" I told you. She's not my type. " sagot niya sabay tayo at alis. Problema nun? Sungit.

Krystal POV

" Krystal tara na. " sigaw ni Daddy sa baba. Uuwi na kasi kami ngayon ng Manila.

Ewan ko ba, bakit parang ayaw kong umalis. Simula kasi nung sa sayawan hindi na nagpakita sina V, G and D sa akin. Parang pagkatapos ng sayawan na yun ay bigla na lang din natapos ang pagkakaibigan namin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit nalulungkot ako, dapat nga maging masaya ako dahil babalik na ako ng Manila. Hello makatutuhanang world na talaga. Pero, bakit ang dami kong pero at bakit na hindi masagot.

Pati sila daddy never ng binanggit ang pangalan ni V. Bakit ba parang apektado naman ako masyado, at bakit naman nila kailangang banggitin si V?

" Henri, Krystal apo ko mag-iingat kayo sa biyahe. " paalam ni Lolo, niyakap ko na siya at sumakay na sa van.

Wala talaga, bakit ba ako namamag-asang pupunta siya dito? Hindi naman kami.

--

" KRYSTALLLLLLLLLL!!!! " napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ko. Patakbo siyang lumapit sa akin at agad akong niyakap.

" Gaaadddd! You don't know how I missed you! San ka ba nagbakasyon? Ni hindi ka man lang naparamdam sa akin, parang hindi mo ako bestfriend. " Sash and her dramas, kailangan ko ba talagang mag report sa kanya sa mga kaganapan sa buhay ko? Well I guess yes. Siya lang din naman kasi ang bestfriend slash super friend ko.

Naglalakad na kami papasok sa classroom namin. " You don't want to here where I spent my vacation. " saad ko sa napaka plain na tono.

" Anong ayaw? Alam ko naman na bago magbakasyon, you know Francis, nag-aalala din ako sa'yo. Akala ko nga hindi ka papasok ngayon. " nilalaro laro pa ni Sash ang mga daliri niya, bakit ba hindi niya matanggal tanggal ang mannerism niyang yan.

" Sa probinsya ako nagbakasyon. "

" WHAT!? " hindi niya mapakapaniwalang tanong. I knew it, magugulat talaga siya. Alam niya kasing ayaw ko sa probinsya.

50, 000 Boyfriend [ ON-GOING ]Where stories live. Discover now