50k Boyfriend : Kabanata 5

750 17 2
                                    

50k Boyfriend : Kabanata 5

Krystal POV

" I-i-i-ikaw pala Miss nuts. " nauutal na bati ni G sa akin, agad ko siyang tinaasan ng kilay. Binato ko yung pinggan at kutsara sa kama ni Goku at nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bewang ko.

" Hoy ikaw anong pinagsasabi ng lalaking 'to!? " dinuro ko si V na ngayon ay nakakunot noo at parang walang ideya sa kung anong nangyayari.

Ngumiti naman ng nakakaloko si G. " Ikaw naman Miss nuts, hindi ko lang nabigay yung number ni V tampo kana agad. " ani niya sabay lakad palapit kay V.

" Ano ba talagang relasyon niyo? "

" He's my cousin. " singit ni V.

" Cousin pala ha. So Lolo niyo si Governor? Sa pagkakaalam ko ang drag racing ay illegal lalo na sa mga ganitong probinsya, tapos Governor yung Lolo niyo. At pagkatapos kung anu anong kasinunghalingan pa ang pinagsasabi ni G sa'yo V. Ikaw naman paniwalang paniwala ka. So para maging kwits, isusumbong ko sa Lolo niya na mga dragster kayo. " akala siguro ng mga sira ulong 'to wala akong utak, para sabihin ko sa kanila naging Top 5 ako sa lahat ng seniors sa school na pinapasukan ko dati.

" Woah! Woah! Teka Miss nuts, ano bang sinabi ko kay V at parang galit na galit ka!? " saad ni G.

Hindi ko pinansin si G at nagdirediretso ako palabas ng kwarto ni V, nakakaasar halatang pinagti-tripan nila ako, porke ba bago lang ako dito sa probinsya nila!?

Narinig ko pang sumigaw si G " D*MN! V SUNDAN MO! "

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa baba sa pwesto nila Lolo. Medyo hinihingal ako ng konti, ang taas naman kasi ng hagdan nila!

" Krystal? What's wrong? " tanong ni Daddy, nakatingin naman sina Lolo at Governor sa akin.

" Governor yung apo niyo po ka-- " bigla na lang may umakbay sa akin at hindi ko na napatapos ang sasabihin ko dahil nagsalita din siya.

" I'm actually his boyfriend, I'm sorry Lolo I haven't told you, pero girlfriend ko po si Miss nu-- ah a siya." Halos lumuwa naman ang mata ko sa gulat, tinignan ko ang reaksyon ni Daddy na halatang gulat na gulat si Lolo at si Governor naman nakangiti na parang mga aso.

" Enjoy talking, dun lang kami sa kusina kakain lang. " saad pa ni V, hindi tinanggal ni V ang akbay niya at naglakad kami papuntang kusina. Isinara niya ang pinto ng kusina at saka niya lang ako binitawan, bumuga pa siya ng hininga na parang nakaligtas kami sa grupo ng mga magnanakaw.

* pak * binatukan ko ulit siya!

" What the! Nakakailan kana ha! Bwisit! Crazy nuts! " bulyaw niya sa akin habang hawak hawak ang batok niyang binatukan ko.

" Hoy! Ang kapal ng mukha mong sabihing girlfriend mo ko! Anong akala mo sa akin? Cheap? Magkakagusto sa katulad mo? " tinignan niya ako ng nakakabwisit at iniling ilingan.

" Reverse psychology? Sasabihin mong naiinis ka sa akin but deep in side you're dying to have me, bago yan Miss nuts ha. Ngayon lang ako nakakilala ng katulad mo. " napapikit ako at napahawak sa sintido ko. Napapamura na ako, konting konti na lang! Napaka sa lahat nag NA.PA.KA. FEELER niya! Ano bang klaseng utak meron siya at lahat na lang ng sasabihin ko may dahilan sa kanya!?

" Bahala ka na nga sa buhay mo, paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan. " kung patuloy ko lang siyang kakausapin baka maaga akong maatake, nakaka heart attack sa inis ang isang katulad niya.

Lumabas ako sa kusina at nagdiretso sa buffet table, halos padabog ako kung kumuha ng pinggan at kutsara.

" Sorry Miss nuts, don't you ever try to fall inlove with me. Masasaktan ka lang. " at talagang sinundan pa ako! Jusmiyo! Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.

50, 000 Boyfriend [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon