Station 27

130 1 0
                                    

Nagbabasa ako ng The Fault in our Stars sa may entertainment room ng aming bahay nang awtomatikong  lumipat ang channel sa TFC.

(Karen Davila on screen)

Dalawang estudyante ng UP Diliman, natagpuang patay sa may parking lot ng Bonifacio High Street kaninang hapon. Balita hatid sa inyo ni Ron Gagalac.

(Ron Gagalac on screen)

Kaninang 5:00PM ntagpuang patay ang dalawang estudyante ng UP Diliman. Parehong puno ng tama ng bala sa may itaas na bahagi ng katawan ang mga lalaking nakilalang sina Jeffrey Troy Domingo at Christopher Buencamino. Ayon sa mga nakasaksi sa may footpath ng Boni High Street, shoot out daw ang nangyari, anim na armadong lalaki ang bigla na lang sumugod sa mga tao lulan ng isang itim na Pajero. Agad silang nagpaputok hanggang sa makalapit sa dalawang estudyante hanggang sa makorner sila sa may parking lot. Pagkatapos nun wala na silang nakita dahil agad na sinara ang malaking gate ng lote. Ilang minuto ang lumipas, natagpuan na lang ng guard na may nakahandusay sa may lote at agad siyang tumawag ng ambulansya." Katabi na ng reporter ang guard na sinasabi niya

'' Hindi niyo po ba napansin o narinig man lang na may magpuputukan na?"

" Sound proof po kasi ang katabing mall ng parking lot. Buti nga ho nag-rounds ako sa may parking lot tapos napansin ko na lang may duguang kamay sa tabi ng  Ford Ranger. Laking gulat ko na lang ho dalawang lalaki na ang nakahandusay. Nakakaawa nga ho eh."

"Wala po ba kayong naabutan na kahit sino sa insidenteng ito. o ebidensya man lang?"

" Wala na pong tao sa parking lot non pero may natagpuan po ako sa paanan nung Jeff. Eto po."

Hindi mapaglagyan ang aking gulat nang makita ang hawak ng guard sa harapan ng camera.

Yung regalo ko noong birthday niya.

Dogtag na may nakaengraved na MB

Pambihira. Hindi ako nagkakamali, sakanya nga ang dogtag na hawak ni manong.

Kay Max nga.

Agad kong tinawagan si Mommy sa Pilipinas pagkatapos ng balita. Confirmed nga daw, sina Jeff at Tope ang namatay.Magang maga na ang mata ko kakaiyak.

Sana panaginip lang ito.

Sana naniwala ako sa paulit ulit na pagpapaalala ni Xander sa akin na mag-ingat kay Max. Sana naniwala ako kay Ritz noong tinext nya sa akin an hour before I left the country na hindi mapagkakatiwalaan si Max.  Bahala na kung i-disown nila ako, bahala na rin kung mawalan ako ng mana.  Ayaw ko nang magpakontrol kay Daddy. Kailangan ko nang umuwi.

---------

Pagkatapos mailibing nina Jeff at Tope, buo na ang loob ko na patayin ang Max na yan. Matapos ang lahat ng sakripisyo namin para lang pakisamahan ang tulad nya, matapos na tulungan ng pamilya namin ang Papa niya noong naba-bankrupt na sila, matapos na ipaubaya ko sa kanya ang pagmamahal ko kay Christine, ganito igaganti niya?!

Putanginang Max yan! Walang utang na loob!

" Sisiguraduhin kong hindi matatagpuan ang bangkay ng putanginang Max na yan. Magkakaroon din ng hustisya pagkamatay nyo mga pre..'' bulong ko habang ibinababa ang kabaong ng dalawa kong kaibigan. 

Lunes.

Agad akong pumunta sa tagpuan namin ni Mayet. MRT. Nang tawagan ko siya para imbitahan sa date, after 30minutes lang nandoon na siya.

Si Mayet. Ang tanging babae na nagpatino sa akin. Ang babaeng minahal ako ng buong buo. Minahal ako ng walang alinlangan.

'' Hey handsome" , sabi niya habang nakahawak sa kamay ko. " Ang lungkot mo yata. Is there something wrong?"

Umiling ako at ngumiti. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man kami ng mga tao sa ticket booth. Hinalikan ko ang kamay niya at ang noo niya. May mga kinilig at may mga napapalakpak.

" Ikaw talaga. Ang baduy mo" natatawa nyang sinabi. " May bagsak ka sa major sibjects mo ano?" tanong nya, umiling ulit ako.

Tahimik ako hanggang sa makaabot kami sa Mall. Nang mapansin niya na hindi usual mga kilos ko, hindi na sya nakatiis.

" Ang sweet mo ha. Una hinalikan mo ko sa harap nila, pangalawa, binili mo ko ng teddy bear at boquet which you don't usually do. Pangatlo, love letter from you? Seriously? Hahahah! Anong laman neto Ritz?"

" Basahin mo mamaya after ng date natin. "

Pagkatapos ng date namin, hinatid ko na sya sa bahay nila. Nakaparada lang kami sa tapat ng gate. Nagpapakiramdaman pa. Tumingin siya sa akin at ngumiti, she raised the love letter that I gave her and opened it.

" Make sure this is baduy ha. Hahahaha! " natatawa niyang sinabi habang pinipilas ang envelope. Binuklat nya ang sulat at sinimulang basahin.

To my dearest Mayet,

I love you. Without you, hindi ko alam kung ano na ako ngayon. You're everything to me. Noong una tayong nagkakilala, I knew you were the one. Ikaw na ang babaeng pakakasalan ko, ikaw na ang makakasama ko habambuhay. Sa'yo ko lang shinare ang buong pagkatao ko, kung sino talaga ako at kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ko. Napakadami nating plano di ba? Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya sa tuwing napag-uusapan natin iyon.

But sorry baby, I think all our plans would be delayed. I did this because honestly, this is our LAST DATE together. Sorry baby kung hindi mo na ako makakasama hanggang sa tumanda ka. Sorry kung mauuna na ako sa'yo. I've changed because of you, but sadly I think someone like me doesn't deserve a girl like you. I am not breaking up with you.

I'm just leaving you for good. Ayaw ko nang alalahanin mo ko. Wag ka sanang umiyak. Mahal na mahal kita.

-Ritz.

Hinampas ako ni Mayet sa dibdib habang humahagulgol. " I HATE YOU! I HAAAATE YOU RITZ WENCESLAO! I HATE YOU!!!" Bumaba siya sa kotse at sinarado nang pagkalakas-lakas ang pinto ng kotse ko. Ayaw ko nang sundan siya at suyuin siya. Mas magiging mas masakit lang ito para sa amin kaya naman pinaandar ko na ang kotse at

nag-drive pauwi.

Bago ako matulog, nagring ang cellphone ko. Unknown number.

" You're next." , sabi ng pamilyar na boses sa kabilang linya.











" I'm fucking ready, Brillante."

MRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon