Station 10

174 1 0
                                    

//// ------Author's Note----////

Hi! Nagkita na naman tayo mga readers! After a couple of months ng pananahimik ko, finally nakagawa na ulit ako ng story! yayy! :)) Una sa lahat, salamat po sa pagbabasa ng unang nobela ko na Confessions of a Torpe Book 1 & 2 ( sa mga hindi pa nakakabasa, wag kalimutan itry! Hahaha! ) Salamat sa pagsuporta at pag-aabang kayna Toby, Toyang at Jet pati na rin po sa mga iba ko pang short stories~~ <3 Mwamwahhh tsuptsup! Kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging posible ang 10k+ reads <3

Pangalawa, bakit MRT? Bakit nga ba? Nagsimula ito noong napuno ang Facebook newsfeed ko ng puro trapik sa NLEX at pagkaderailed ng MRT. Naging inspirasyon ko lang talaga yun since namimiss ko na sumakay sa MRT at nakakamiss ang pagiging haggard+pawis+gutom mode :D

Pangatlo, ang nobelang ito ay ginawa ko bilang selebrasyon sa kapangyarihan ni Lord na dulot sa buhay natin. Celebration of Life ika nga :"> *naks lalim ko!*

At huli, ang chapter na ito ay dedicated kay Sheng. My college close friend. Atey, i miss you na! Kitakits pag-uwi kong Pinas <3 lablab!

------LP------

Ano na naman bang problema ng Maximilio na yan? Simula nung nalaman ko na ang pangalan ni Emcee at nakuha ang number nya, para bang nanamlay siya sa akin. I mean, napakasuplado niya pag kausap niya ako. Para bang laging aburido at Byernes Santo kapag nagkakausap kami. Kahit sa tuwing kasama ang barkada, para bang spaced out siya. Hindi tuloy maiwasan isipin ng iba naming kaibigan na baka may namumuong tensyon sa amin. Wala namang namumuo. Wala naman akong ginagawa sa kanya. As far as I know, wala naman akong atraso sa kanya.

Hayyy! Nagpapaka-chicks na naman itong si Max!!

'' Grabe! Akala ko nga hindi ako papasa sa Psychology na yun! Buti na lang talaga hindi namali yung 5 sa multiple choices ko! Waaa!.. Ahmm... Gino? Gino? Uy Gino!'' Hindi ko namalayan na niyuyugyog na ako ni Emcee sa braso. Pati tuloy ako nahahawa na kay Max ng pagkaspaced out. '' Kay Max na naman ba ito?'' tanong niya.

Ilang buwan na rin kaming magkakilala ni Emcee, sinimulan ko na rin siyang ligawan isang buwan after ko makuha ang number niya. Buti nga pinayagan nya ako na manligaw, sarap lang sa feeling! Kaso nung inopen up ko naman yun kay Max, ang lolo mo..parang wala lang sakanya. Malay ko dun.

"Kasi si Max, daig pa nagpiPMS. Pshh. Alam mo yun? Parang dinedeadma ka eh wala ka namang ginagawang masama sa tao.'' sabi ko kay Emcee. As of this moment, even though I'm courting her, patuloy pa rin na pinalalalim namin ung pagkakaibigan namin. Kinikilala pa rin namin ang isa't isa.

'' Baka naman kasi may kasalanan ka sa bestfriend mo''

'' Sus. Wala ha! As far as know, wala akong ginagawang masama sa kanya. Malay ko na kung bakit ganoon sya lately.''

'' Baka naman haggard lang at natatambakan ng school works.'" Hindi naman ganoon kasungit si Max kahit tambakan ng kung anu ano. Positive thinker yun eh! Hayyy! '" Alam mo, give him time and space, Gino. Baka may kailangan lang syang resolbahin.''

'' Baka nga.'' Tumingin ako sa di kalayuan at bumuntong hininga. Weirdo ka talaga, Max.

Bago pa man kami magkahiwalay ni Emcee, may inabot siyang sulat sa akin. '' Pumunta ka ha.'' Sabi niya sabay sakay na sa jeep. Hindi ko na naitanong kung ano ito. Pagkabukas ko ng sulat, ito ang nakalagay :

MRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon