Station 20

120 1 0
                                    

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto ni Gino. Hindi namin alam kung ano ang sasabihin namin. Hanggang sa nagsalita na si Tope

" Seryoso ba siya don?"

"Malay ko ba. Parang joke lang yun eh" , dagdag naman ni Ritz habang ngumunguya.

" Sa pagkakakilala ko kay Emcee, hindi siya magbibiro ng ganoon na lamang. Pakiramdam ko aalis na talaga siya." sabi ko habang nakatingin kay Gino. " Paano na kaya si Gino nyan?"

Paano na nga ba siya? Paano kung magising si Gino nang wala na si Emcee? For sure, hahanapin niya yun. Mahal niya si Emcee eh. Nakakainis naman nangyayari ngayon. Imbis na maexcite kami sa paggising ni Gino, mas malulugmok pa kamo ngayon sa kalungkutan. Shet naman. Nakakairita!

" Uy tuloy pa rin pagkikita natin kay Christine ha. " Paalala ni Ritz. "Pre naisip ko lang, paano kaya kung maamnesia si Gino? Paano kung...ARAY! TANGINA KA TOPE!" Binatukan ni Tope si Ritz habang nakasimangot.

" Masamang biro yan tol. Wag naman sana maamnesia si Gino kung magigising man sya."

Hmmmmmm....

Bigla kaming napatingin kay Gino.

" Narinig niyo ba yun?!" Nanlaki ang mata ni Jeff habang papalapit sankinahihigaan ni Gino.

Hmmmm....

" Shet! Magigising na si Gino!" Naghintay kami ng ilan panginuto pero wala na kaming narinig na ungol. Ano ba yan! Guni-guni lang ba ito?! Hayyy!

------

Kasunod ng masamang balita ay ang pagsulyap ko sa katabi ko. Si Max.

" Hindi ka ba excited sa pag-alis natin?"

Hindi.

" Ofcourse I'm excited" ngumiti ako at niyakap nya ako. yakap na tanging siya lang ang may gusto. Yakap na hindi ko man lang nafeel ang love niya.

" Ready ka na ba? Nakaempake na ba lahat ng gamit mo?'' Sumingit si Daddy sa likuran namin. Tumango ako at ngumiti. Wala naman akong magagawa sa ngayon, masyado nang haggard ang isip ko kakaisip sa kapalaran ko sa New York. Ano bang mangyayari sa akin don? Ano bang gagawin ko doon? Wala doon ang taong mahal ko.

Wala doon si Gino.

"May balita ka ba kay Gino? " tanong ko kayna Daddy at Max. Nagkibit-balikat lang sila at sinadyang iniba ang conversation. Yung totoo, may pakialam ba sila kay Gino? Inaalala kaya nila yon?

And why are they so angry kapag si Gino ang pinag-uusapan namin? Sheeez. Ang weird ng mga tao ngayon.

Nang makalabas na sa bahay sina Daddy at Max para sa business nila, saka tumawag si Xander.

" Hello Xander?"

" Makinig kang mabuti. Nagbalik na si Christine, yung ex ni Gino. Si Gino, may pag-asa nang magising..''

''What?! Magising? Anong...?!"

" Wag ka munang magsasalita. Pakinggan mo ito ng maigi. Kung tutuloy ka man sa New York, mas mabuting wag ka munang umuwi sa Pilipinas. We will keep in touch with you..always. Wag kang mag-alala. Mas mabuting ganito.."

Unti unting pumatak ang mga luha ko. Nilalayo ba nila ako kay Gino? Bakit?!

" Xander please. ipaliwanag mo naman itong.."

" Sige na. Ingats sa flight mo bukas. Mag-ingat ka, Emcee. See you when we see you.''

Tapos busy line na. Anong nangyari?! That escalated quickly! Fudge.

Tumingin ako sa photo namin ni Gino sa private folder ng phone ko. Tinitigan ko ito ng mabuti.

Hindi ko kaya, Gino. Hindi talaga.

MRTWhere stories live. Discover now