Station 22

118 1 0
                                    

''Happy Anniversary, baby''

Tumingin ako kayna Xander na tila nagtataka din sa sinabi ni Gino! For Pete's sake,matagal na kaming break ni Gino! Ano pa ba ang sinasabi niyang Happy Anniversary? Kaysa sa mag-alburuto, ginantihan ko na lang ng ngiti ang sinabi ni Gino at medyo inilayo ang aking sarili sa kanya.

'' May mali ba ako sa sinabi ko?'' Sabi niya habang nililipat ang tingin mula sa akin papunta sa mga kabarkada niya. Why won't they even tell him that 'we'don't exist anymore. Wala na kami. I'm no longer his girlfriend! Arrrggghh!  Ganito ba ang ginawa nila Xander sa kanya for the past months? Ugh. Tumingin ako kay Xander and I know that he will pull me out of this strange scenario.

'' Let me explain everything to you, Tin.'' , he started.

'' You better do that before mabaliw ako kakaisip kung bakit ganoon ang sinabi niya. ''

'' Na-comatose si Gino. '' What?! Wait.. Hinila nila ako dito to say na na-aksidente at na-comatose si Gino? Bumalik ako sa Pilipinas para sa ganito?

'' Are you serious, Xander?! Sabi mo na-confine lang si Gino kasi nagka-dengue, and now you're telling me na na-comatose siya? Kailan pa? I mean, matagal na ba?''

'' It's been a couple of months, I think. He loved someone back then, he moved on actually. Nakatagpo siya ng babaeng mamahalin and she invited him to her 20th birthday but..

Nabangga siya sa may Intramuros pa lang, The event was in Sofitel.'' And so on and so forth, inexplain sa akin ni Xander kung paano naaksidente si Gino, nabangga siya ng hindi kinikilalang tauhan ng kung sino man. Na-head on collison ang mga kotse at nauntog si Gino sa manibela ng kotse. The next thing they knew, Gino was in comatose. Umalis yung babae papuntang New York kasama yung fiance'niya.

Nalungkot ako sa sinabi niya. Gino wa sleft alone here in the Philippines tapos magigising siya na clueless talaga. The story that Xander told me was somewhat familiar to my cousin, so hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, I asked him who she is..

'' Please, wag mong babanggitin siya kay Gino sa ngayon. Promise me, Christine.''

I nodded and gave him a smile. '' Your secret is safe with me..''

'' Maria Katerina Romualdez. We call her Emcee.''

Unti-unting nawala ang ngiti ko at napalitan ng matinding pagkagulat. Napatakip ako ng bibig at napahawak sa aking puso. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kasing bilis ng mga pangyayari ngayon.

I was right.

Si Emcee nga.

'' Bakit, Christine? Kilala mo ba siya?''

-----

Napakasakit tingnan na masaya siya kasama ang kaibigan mo.

Ganito ang nararamdaman ko habang nakatingin kay Gino at Christine. Hindi ako nagkakamali, si Christine at si Scarklette De Vera ay iisa. Hindi ako nagkakamali. Bago pa man kami dumiretso sa ospital, nagkasalubong kami sa may toilet ng Starbucks. Palabas siya at ako naman ay papasok. Napansin kong hindi pantay ang kulay ng leeg niya sa mukha niya... parang..nilagyan niya ng concealer. Hindi ako bading ha! Nakikita ko lang yan sa mga kapatid kong babae na mga make up artists.

Malakas ang pakiramdam ko na tinatago lang ni Christine ang pagiging Scarlette De Vera niya.

Hindi ko namalayan na habang nakatingin ako sa kanila, katabi ko na pala si Ritz , '' Huy! Matunaw yan. Gandang chix ano? Hahaha! Nabasted ako nyan.'' Napatingin ako sa kanya habang natatawa siya.

'' Huh?''

'' Di ka naniniwala?'' Nilabas niya ang wallet niya at sa huling parte ng mga pockets ay nakasilid doon ang picture niya kasama si Christine. '' Ganyan sana kami kasaya kung hindi lang yan nainlove kay Gino. Alam mo pre, iba yan si Gino. Ibang iba sa atin. Malay ko ba, tatahi-tahimik yan pero malupit yan sa mga chix. ''

'' Bakit hindi ka nya sinagot?'' , tanong ko.

'' Hindi kami para sa isa't isa. Masyado syang busy sa pagmomodel nun, saka ayaw nya ng boyfriend na nagyoyosi. Swerte ko nga kay Mayet kasi natitiis nya ako at ang baho ng usok ko. Hahaha! Anyways, alam ko ang sikreto niya. '' Tumingin siya sa akin at tinaas-baba ang kilay niya. '' Alam kong alam mo ang nalalaman ko tungkol kay Christine.''

'' Paanong...?''

'' Ako ang nag-imbita sa kanya na sumali sa mga car shows.

Tama ang iniisip mo pre, siya si Scarlette De Vera."

MRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon