Station 5

273 3 0
                                    

'' Alam mo sa lahat ng torpe, ikaw ang pinakatanga! '' Binatukan ako ni Max habang kumakain kami ng isaw sa may oval. Tawa siya nang tawa noong naikwento ko sa kanya kanina yung nangyari sa akin kasama si Emcee.

'' Malay ko bang mauunahan ako ng hiya!'' tutol ko

'' Sus! Hiya?! Meron ka pala nun? Hahaha! Sabihin mo naunahan ka ng takot! Sows. Di ka naman ganyan noon ha! Anyare, pre?''

Ano nga bang nanyari? I'm not like this when I was on my blind dates and meet ups. Hindi naman ako ganito ka-mahiyain. I was the one who always approach the girls, not the other way around. So.. Why the sudden change of events? Hahaha! Pati ako natatawa sa ginawa kong katangahan. Dapat nagbukas pa ako ng topic noong nakababa kami sa MRT. Dapat man lang nag-offer ako na isakay sya sa jeep o sa taxi para makauwi. Edi sana nakuha ko yung number niya, edi sana nalaman ko ang buong pangalan niya. Edi sana magkakilala na kami ng lubos ni Emcee! Edi sana..

Hayyy!! Nakaka-frustrate naman! Ang dami kong What If's! Dapat kasi sinunod ko ang puso ko. Dapat sana ganito. Dapat sana ganyan.. pero huli na ang lahat!

"Kung hindi ka ba naman tanga di ba? Dami-daming paraan para makausap mo pa sya ng matagal. Bat hindi mo ginawa? Nasaan ang  Gino Miguel Buenaventura na mabagsik sa mga chicks dito sa campus after ng break up nila ni Christine? Hahaha! Nagayuma ka yata ng Emcee na yan, tol. '' Umiiling na sinabi ni Max habang nginunguya ang isaw. Amoy suka at usok na kami, buti na lang mamayang 1PM pa ang next class.

'' Alam mo, feeling ko pre..Feeling ko lang ha! Feeling ko..''

'' Ano na?! Dami mong satsat!'' pag-aapura ni Max

'' Feeling ko meant to be kami ni Emcee.''

...

..

'' ISAW PA!!! HAHAHAHAHAHA!'' Napakatino mo talagang ka-heart to heart, Maximilio -___-

-----

Dinaan ko na lang sa pagtawa at biro ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko sanang mainis pero, bakit ko naman hahayaan na hindi lumigaya ang bestfriend ko? Sino ba naman ako para humarang sa pagmu-move on niya? Ako pa nga mismo ang nagrereto sa kanya sa mga babae na nakilala ko sa bar, wishing na sana isa sa mga chicks na yun maging girlfriend na niya.

Then why am I feeling this kind of jealousy right now? Bakit parang feeling ko kakompitensya ko ang sarili kong bestfriend?

Napakawirdo pala ng pakiramdam na may kakaunting inggit at inis ka sa bestfriend mo. Tipong wala naman siyang ginagawang masama eh kinaiinisan mo na.

Noong una kong nakita si Emcee, hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nahirapan akong huminga. Hindi naman ito nangyayari kapag nakakakilala ako ng mga chicks sa mga bars o kaya sa mga sasakyan tulad nitong MRT. Pero bakit pagdating sakanya, nag-iba ang nararamdaman ko? Is this love at first sight? Is she 'The One'?

Eh paano na yan, nakaka-level up na si Gino sa pagkilala kay Emcee? Ako, wala lang. Taga-suporta lang. Ano nang mangyayari sa akin nito? Kaya ko kayang ipaubaya na lang ang babaeng ito sa matalik kong kaibigan?

MRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon