Chap. 37

1.3K 182 93
                                    

AN : SPG ALERT KAHIT WALANG EDIT. H'WAG HUMUSGA SA KWENTO NG CHAPTER  NA 'TO.

Bumangon si Raine nang makitang hubo't hubad sya. Napatingin s'ya sa kanyang paligid. Palinga linga ang dalaga at nakiramdam.

"Mag-isa lang ako." Nasabi ni Raine sa kanyang sarili. Hinanap n'ya ang kanyang damit ngunit wala s'yang nakita. 

"Anak ng tokwa! Saan ang mga damit ko?" Napatiim bagang ang dalaga at nakita n'ya sa isang sulok ang isang panty. Napakagat ng labi si Raine, nakita n'yang bago ang panloob na kanyang nakita dahil nakabalot pa ito. Hindi na nagdalawang isip si Raine kundi suotin na lamang. Hinanap n'ya ang kanyang cellphone, ngunit di n'ya makita. 

"Great. Paano ako makakauwi ngayon?" Napapikit ng mga mata si Raine. Nakita n'ya ang isang puting t-shirt kaya mabilis din n'yang sinuot. Nagmadaling s'yang buksan ang pinto. Dahan dahan s'yang naglakad. Narinig n'ya na merong ingay na nagmumula sa ibang parte ng bahay. Naglakad si Raine at nagkainteres na silipin kung sino ang taong kasama n'ya sa loob ng bahay na 'yon. Naglakad s'ya papuntang kusina. Napakubli pa s'ya sa likod ng dingding. Biglang napakunot ang noo ni Raine. 

"What the hell is he doing?" Napaatras si Raine nang makilala n'ya ang lalaking nagluluto sa kusina. Tatalikod na sana si Raine nang..

"Good morning. Your breakfast is ready."

Napapikit ang mga mata ni Raine nang marinig ang boses ni Eldric. Pikit mata s'yang humarap ng dahan dahan. Napayakap si Raine sa kanyang sarili gayung wala s'yang suot na bra. 

"It's 9am. " Dagdag pang sinabi ni Eldric.

"Eldric, b-bakit ka nandito? Ahh I mean, bakit tayo magkasama? A-anong ibig sabihin nito? Na--Nagising ako na-----w-walang saplot sa katawan ko. Did we------?" Putol putol na mga tanong ni Raine sa dating asawa.

Ngumiti lang si Eldric, na para bang tinutukso ang dating asawa.

"Hanggang ngayon wala ka paring pinagbago. Pag nalasing ka nakakalimutan mo ang nangyayari sa 'yong paligid. Tsk." Sagot ni Eldric.

"Damn it Eldric! paano tayo naging magkasama dito?!" Bulyaw ni Raine.

Napailing si Eldric at ngumiti ngiti lang. Tila inaasar si Raine. Lumapit si Raine sa dating asawa at sinampal ito.

PAK

"Anong katarantadohan ang pumasok sa utak mo Eldric? Gumagawa ka ng problema." Pinaghahampas ni Raine ang dibdib ni Eldric.

"Calm down." 

Hinayaan ni Eldric ang dating asawa na sinasaktan s'ya.

"You asshole, stop hurting me." Hindi napigil ni Raine ang di mapaiyak. Hindi pinigil Eldric hanggang hinila hila ni Raine ang t-shirt ni Eldric at napasubsob ito sa dibdib. Saka niyakap ni Eldric.

"I hate you Eldric..I really hate you. Wala kang ginawa kundi saktan ako ng husto. Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin? Ilang taon akong nagtiis na ginamot mag-isa ang sugat na ginawa mo sa akin..Ilang taon akong nanahimik. Mag-isa ako Eldric! Mag-isa!!"

Sabay ng malakas na paghagulgol ni Raine.

"I'm sorry." Ramdam ni Raine ang mahigpit na yakap ni Eldric. Pakuway hinawi ni Eldric ang mga buhok na tumatakip sa mukha ni Raine at pinunasan ang mga luha ng dating asawa.

"Bitawan mo ako." Gustong kumawala ni Raine sa bisig ng dating asawa.

"No." Mabilis na sagot ni Eldric. Walang nagawa si Raine kundi ang umiyak habang nakasandig sa dibdib ng dating asawa. 

Ilang minutong maririnig sa loob ng bahay ang hikbi ni Raine. Ilang minutong yakap na mahigpit ang nagawa ni Eldric. Hanggang tumahimik ang lahat.

"Okay kana?" Tanong ni Eldric.

KAAGAWWhere stories live. Discover now