Chap. 36

855 177 108
                                    

AN : NO TIME TO EDIT.

Ilang araw na walang sigla si Craig, tanging ang kanyang Yaya na lamang ang gumagawa ng paraan na maaliw ang bata. Sa tuwing dumarating si Craig mula sa paaralan, dadalhin s'ya ng kanyang Yaya sa playground at doon uupo lamang si Craig sa bench. Palingon lingon sa paligid tila may hinahanap. Batid ng Yaya ni Craig na hinahanap ng bata ng presensya ni Raine. 

"Craig makipaglaro ka sa mga kaibigan mo. Mamaya na tayo umuwi ng bahay. Sige maglaro ka muna." utos ng Yaya ni Craig.

"Ya, kelan kaya ako dadalawin ni Tita Raine?" Tanong ni Craig.

"Ahh, ewan ko. Siguro marami s'yang trabaho ngayon. Pero h'wag kang mag-alala dadalawin ka n'ya. Maghintay kalang." Sabi ng Yaya ni Craig.

"Ang tagal naman nun. Namimiss ko na s'ya." Sabi ng bata. Napabuntong hininga ang Yaya ni Craig. Kaya napayakap na lamang ito.

"Namimiss karin n'ya. H'wag kang mag-alala pag dumalaw sya aalamin ko kung nasaan sya nakatira. Tapos pupunta tayo sa bahay n'ya. Sekreto lang nating dalawa." Inuto ng Yaya si Craig.

"Okay." Napangiti ng bahagya ang bata.

Sa di kalayuan may isang kotseng nakaparada. Bumaba ang bintana ng kotse.

"You really miss the kid." Sabi ni Meghan kay Raine.

"Yup. Nakakainis nga eh, laging naiisip ko ang bata. Meg, ayaw kong lumaki ang gulo sa pagitan namin ni Shanti. Ayaw kong maipit ang bata sa aming tatlo. Wala s'yang alam sa buong kwento." untag ni Raine.

"Alam mo, mabuti pang maging seryoso ka kay Nevin. Don't hesitate to try again. Malay mo eto 'yong pagkakataon mong makalimutan ang nakaraan." Sabi ni Meghan.

"May pinag-usapan kami ni Nevin. In fact, meron din s'yang personal na dapat ayusin sa buhay n'ya. Ang mahalaga meron nang koneksyon kami sa isa't isa. At pwede na naming pagtuunan ng pansin kapag okay na ang lahat." Sabi ni Raine.

"Ayan maghihintay na naman ba ako?Baka mauunahan nalang kita n'yan." Sabay napanguso si Meghan.

"H'wag ka ngang atat." Saway ni Raine. Dahil nakita na ni Raine si Craig, napagdesisyonan nilang umalis padahan dahan.

----------------------------------------------------------------------

Sa kabilang dako, sa San Ruiz, nanatiling nakakulong si Agatha sa loob ng kanilang bahay. Paminsan minsan lamang s'yang pinapasyal. May mga panahong dinadala si Agatha sa isang simbahan kasama nito ang kanyang ina. Mabuti na lamang sa tuwing lumalabas ito ay hindi naman sinusumpong ng kanyang sakit. Ngunit sa tuwing may nakikita itong may nagbibenta ng mga bulaklak, agad itong lumalapit at kinukuha ang mga bulaklak na walang pasabi sabi. Kaya naman binibili na lamang agad ng kanyang ina. Halos mapuno ng mga bulaklak ang silid ni Agatha sa tuwing ipinapasok na ang mga bulaklak. Tanging ang kanyang Yaya na lamang ang nakakaalam kung bakit ganun si Agatha, naaalala nito si Reynold.

Isang araw, habang nasa hardin si Agatha lagi s'yang nakatingin sa mga halaman.  Palakad lakad si Agatha sa hardin hanggang napagawi ito isang pinto ng bakuran, sa likurang bahagi ng bahay. Nakabukas ang pinto kaya naman nainganyong lumabas si Agatha. Walang kamalay malay ang mga tao sa loob ng bahay.

Parang asong nakawala sa kanyang kulungan si Agatha, patakbo takbo sa kalye. Hindi alam kung saan patutungo. Sinusundan lamang nya ang mga sasakyang dumaraan. Pagkaraan ng mahigit isang oras..

"Senyorita Agatha, kumain po kayo ng....?" Dumating ang isang katulong upang tawagin si Agatha na kumain ng meryenda nito ngunit wala ang dalaga. Hinanap ng katulong sa hardin ngunit hindi ito nakita. Hanggang sa napagawi ang katulong sa likod bahay at doon napansin na nakatiwangwang ang pinto ng bakuran.

KAAGAWTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang