Chap. 11

1.1K 183 49
                                    

Asar na asar si Raine dahil sa mensaheng pinadala ni Eldric sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba, talagang may nakatagong ugali si Eldric. Kunwari nagmamagandang loob. Kunwari mabait sa harap ng ibang tao pero saksakan din palang bastos. Bakit ikamamatay ba n'ya kung hindi ako nakapag pasalamat sa kanya? Hmp!" Sa inis ni Raine ay binura nito ang mensahe ni Eldric sa kanya. Naisip din n'yang h'wag nang pansinin pa.

Lumipas na ang ilang minuto, di magawang magpahinga ang isipan ng dalaga. Naaalala parin nya ang tungkol sa mensahe ni Eldric.

"Sa susunod, talagang iiwasan kong tumanggap ng tulong n'ya. Mabuti narin para iwas intriga." Napasimangot ng husto si Raine. Tapos muling naalala si Juliana

"Isa pa itong si Ate, bilib na bilib kay Eldric. Naks, parang may naamoy pa nga ako kay Ate---parang gustong gusto akong ereto para kay Eldric. My gosh, Edric isn't the right guy for me. Kung baga sa rating, masakit bigyan ng 2pts. ang lalaking 'yon. Yeah, sinong magkakagusto sa kanya kung ultimo manamit parang panahon ni Rizal, paano pa kaya ang pag-uugali nun-- old fashion. Iniisip ko na nga pag 'yon ang makakasabay ko sa daan, sigurado hindi sa mukha ko nakatingin ang mga taong makakasalubong namin, kundi sa pantalon n'yang high-waist at ang flat na flat na buhok na parang niligo sa gel. "

Naglalaro ang imahinasyon ni Raine.

---------------------------------------------------------------

Sumunod na araw, nagising si Raine na wala sina Juliana at Dominique. Tulad nang dati, kakain lamang si Raine at hihilata sa kanilang sala at manunuod ng tv.

"Raine, sabi ng nanay mo pumunta ka raw sa taniman ng gulay. Magluluto daw s'ya mamaya ng Penakbet, kaya mamitas ka ng sitaw, ampalaya at talong. " Sabi ng isang kasambahay.

"Manang, ang init-init at wala akong kotse para masakyan papunta doon." Sagot ni Raine habang nakatuon parin ang mga mata sa TV.

"Eh, meron ka namang bisekleta, 'yong nalang ang gamitin mo." Suhestyon ng kanilang kasambahay.

"Nakapagod po ang magpadyak." Pagdadahilan ni Raine.

"Raine, may ginagawa rin kami. Nagbibilad pa kami ng palay d'yan sa likod ng bahay. Sige na, baka mamaya mapapagalitan ka ng iyong ina." Pinilit ng katulong. Biglang umiba ang templa ng pagmumukha ni Raine.

"Eh bakit hindi nalang tawagan si Kuya Dominique para s'ya nalang ang mamitas ng mga gulay." Reklamo ni Raine.

"Wala si Dominique, inutusan ng tatay mo na pumunta sa munisipyo. Si Juliana, pumunta sa palengke upang mangulekta ng mga pautang. Wala ka namang ginagawa kaya ikaw na ang kumilos. Banatin mo naman ang mga ugat mo sa katawan. H'wag ka namang maging batugan." Nasabi ng kasambahay.

"Argh! Ang init sa labas!!" Napapadyak pa ng paa nya si Raine. Hindi na lamang pinansin ng kasambahay. Napilitang tumayo si Raine at pumunta sa labas ng bahay. Hinanap nya ang kanyang bisekleta. Kumuha sya ng kutsilyo at isang malaking bayong.

"Hoy, Raine lalabas ka ba na ganyan ang suot mo?" Napansin si Raine ng kanilang kasambahay.

"Bakit? Wala namang masama sa suot ko." Sabi ng dalaga.

"Raine, maiksing bistida ang suot mo at manipis pa." Saway ng kasambahay.

"Ang init ng panahon. Alangan namang magsuot ako ng palda na hanggang talampakan? Manang, loose t-shirt po ang suot ko. Naka-shorts rin naman po ako. H'wag nga ho kayong makaluma." Tila naasar si Raine sa pagpupuna sa kanya. Pinakita pa n'ya ang kanyang suot na shorts.

"Ang iksi ng shorts mo. Nakikita na ang p'wet mo kung di lang mahaba ang t-shirt
.O sige na nga, umalis kana."

Umalis si Raine na inis na inis sa pinag-uutos ng ina. Nakanguso pa ito habang nagbibisekleta.

KAAGAWWhere stories live. Discover now