Chap. 32

874 181 78
                                    

Malayo ang biniyahe ni Eldric upang marating ang San Ruiz. Iniisip n'ya ang kanyang anak. Iniisip din n'ya si Raine. Palalim na ang gabi nang marating ni Eldric ang San Ruiz, alam ni Eldric na malalaman ng pamilya ni Shanti ang nangyayari sa kanilang dalawa.

BEEEEP BEEEP

Nagising ang ina ni Shanti nang marinig ang bosena ng sasakyan.

"Sino kaya ang dumating?" Napatanong sa sarili ang ina ni Shanti kaya napadungaw ito sa bintana. Nakita n'yang huminto ang sasakyan at lumabas si Eldric.

"Talagang hindi mo matitiis ang mag-ina mo Eldric." Nasabi ng ina ni Shanti. Habang sa silid naman ng mag-ina ni Eldric.

"Senyorita, dumating po ang asawa ninyo." Agad pinaalam kay Shanti ang pagdating ni Eldric. Kahit papano ay napalundag ang puso ni Shanti.

Agad lumabas sa kanilang silid si Shanti upang salubungin ang kanyang asawa. Inabutan n'yang nasa sala narin ang kanyang ina.

"Eldric, mabuti at sinundan mo dito sina Shanti. Ano man ang problema ninyo ay pag-usapan ninyo. Sinabi n'ya sa akin ang dahilan. Pero nauunawaan ko naman kung bakit mo ginawa ang pakikipag-usap sa dati mong asawa. Nauunawaan ko rin ang dahilan ng naging reaksyon ni Shanti. Hindi sa kinakampihan ko s'ya. Batid ko ang buong pangyayari sa nakaraan ninyo ng dating asawa mo. Pero sana h'wag ka namang magalit sa naging desisyon ni SHanti kanina. Natural lamang sa isang maybahay na ipaglaban ang kanyang nararamdaman." Sabi ng ina ni Shanti.

Napayuko naman si Eldric.

"Nauunawaan ko po 'yon. Humingi lang naman po ako ng kapatawaran sa dating asawa ko." Mababang boses ni Eldric.

Napalingon ang dalawa nang makita nilang nakatingin si Shanti.

"Mabuti pang maiwan ko kayo. Pag-usapan ninyo ang lahat." Sabi ng ina ni SHanti.

Naiwan sa sala ang mag-asawa. Kapwa sila naupo na magkaharap sa magkabilaang sofa. Nakataas ang kilay ni Shanti at halatang naiinis parin sa asawa.

"Bakit ka pa pumunta dito? Akala mo ba ibibigay ko Craig sa 'yo? Natatakot ka bang iwan ka namin?" Sunod sunod na tanong ni SHanti sa asawa.

"Shan, I'm sorry. H'wag mo namang masamain ang pag-uusap namin ni Raine kanina." Sabi ni Eldric.

"Niyakap mo s'ya Eldric, nakita ng dalawang mata ko." Sabi ni SHanti. Dahilan hindi nakapagsalita si Eldric.

"Are you still in love with her?" Tanong ni Shanti.

"Shan, she was my wife before you. Unawain mo naman ang naging kasalan ko sa kanya. Walang kwenta man sa 'yo pero sa akin meron. At ayaw ko rin namang habang buhay walang kapatawaran ang lahat sa amin. Nakita mo namang napakalapit ni Craig sa kanya." Paliwanag ni Eldric.

"You're not answering my question, Edlric. Are you still in love with her?"

Napabuntong hininga si Eldric bago sumagot.

"She's always part of me. But it doesn't mean I will do another mistake." Sagot ni Eldric sa asawa. Hindi umimik si SHanti.

"Hindi maiiwasan Eldric habang nasa paligid natin si Raine. Kaya kung ako sa 'yo ayusin mo ang takbo ng utak mo. Kung ayaw mong umalis sa lugar na 'yon, pwes kami ang lilipat ng tirahan ng anak natin." Sabi ni Shanti. Napatiim bagang si Eldric alam n'yang gagawin ni Shanti ang nais nito.

"Shan, pag ginawa mo 'yon anong sasabihin mo kay Craig?" Tanong ni Eldric.

"He's just a kid. Madaling magdahilan sa bata." Sagot ni Shanti. Ramdam ni Eldric na wala s'yang maidadahilan sa asawa. Kailangan n'yang pagtakpan ang totoong nararamdaman sa dating asawa. Kailangan n'yang mamili ng isang desisyon 'yon.

KAAGAWWhere stories live. Discover now