Chap. 23

852 174 70
                                    

Mabilis pumasok si Raine sa loob ng kanyang bahay. Napasandig pa sya sa pinto at dahan dahang ibinaba ang kanyang pinamili. Napatiim bagang s'ya dahil naaalala ang kanyang nasabi sa bata.

"Ano ba namang naisip kong sagot kanina kay Craig? Bakit nasabi ko pang may boyfriend ako? Arg! Anong iisipin ng tatay n'ya, gumagawa ako ng sariling gimik? Palalabasin na pinaseselos ko s'ya? Damn, katangahan lang talaga ang nasabi ko kanina." Napakamot ng sariling ulo si Raine. Dumiretso s'ya at inilabas ang mga kanyang pinamili. Muli n'yang nakita ang mga noodles.

"Ang bilis naman ng mga mata ni Craig at agad n'yang nakita ang mga noodles na 'to. Sigurado akong natatawa sa akin si Eldric. Siguro iniisip ng gagong 'yon na hanggang ngayon di parin ako marunong magluto. Ano ngayon? hindi s'ya ang paglalaanan ko ng effort. "

Kahit pagod si Raine ay nagawa parin n'yang magluto at kumaing mag-isa. Sinanay n'ya na ang sarili na mag-isang tumayo na walang makakasama.

-----------------------------------------------

Samantala, habang kumakain ng hapunan ang pamilya Gustavien.

"Craig, kumain ka pa." Sinusubuan na ng Yaya si Craig.

"I don't like to eat, Yaya."

"But you must eat your food. Baka magugutom ka mamaya." Sabi ng yaya ni Craig.

"What's the matter Craig? You don't like the food? Gusto mo bang paglutuan ka ng ibang ulam." Sabi ni Shanti.

"No, Mom. I just don't like to eat. I'm not really hungry." Sagot ni Craig na matamlay ang mga mata. Napansin naman ni Eldric ang reaksyon ng anak.

"Craig, eat your food and we will talk later." Sabi ni Eldric.

Napabuntong hininga ang bata at napilitang kumain.

"Kayo talagang mag-ama maraming sekreto. O baka naman pag-uusapan ninyo ang kapitbahay natin." Nasabi ni Shanti.

"Shanti, stop thinking like that. Walang ginagawang masama 'yong tao sa atin. Tigil tigilan mo nga 'yang ganung pag-iisip. Nasa harap natin ang bata." Sabi ni Eldric sa asawa.

Umiling iling si Shanti. Halatang di kumbinsido sa sinabi ni Eldric.

Nang matapos silang kumain, agad inasikaso si Craig ng Yaya nito. Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Eldric, agad tinungo ang silid ng anak. Inabutan nitong naglalaro ng robot ang anak.

"Ya, magpahinga kana. Ako nang bahala ka Craig."

"Naku, Sir parang badtrip yata ang bambino n'yo. Nawala 'yong sigla n'ya matapos marinig 'yong sinabi ng kapitbahay na may boyfriend na pala. Kaya ayan, daig pa ang natalo sa sugal ang mukha ni Craigy boy." Lihim na sumbong ng yaya.

Agad tumalima ang yaya ni Craig, kaya agad tinabihan ni Eldric ang anak sa kama.

"What's up Craig? What's the matter?"

"Dad, I want to grow old."

"Why?"

"I just want it."

"Craig, if you are an adult you can't play anytime. There are many things to do." Paliwanag ng ama ni Craig.

"I know."

"But then why? Tell me the reason." May tumatakbo na sa isipan ni Eldric.

"You heard it, right? She has a boyfriend."

At napangiti ng lihim ang ama ni Craig.

"So?"

"I can't play with her. I can't hold her hands. I can't fight with her boyfriend because he's taller than me." Pagdadahilan ng bata.

KAAGAWWhere stories live. Discover now