Chap. 26

901 189 63
                                    

AN : BASA NA BILIS....

KRINGGG KRINGGG

Nagulat si Raine nang tumunog ang alarm clock sa kanyang silid. Napatingin s'ya sa orasan at eksaktong 6AM na. Bumangon s'ya at tinignan ang kanyang cellphone. Nabasa n'ya ang isang mensahe na galing kay Gabby.

GABBY : Raine, h'wag kang pumasok ngayon. Come to Hacienda Montreal. Let's celebrate Mamita's birthday. Tinawagan ko na magulang mo at sina Dominique.

Tila nabuhayan ng loob ang dalaga at sabik makapunta sa mansyon ng mga Montreal. Nagmamadali si Raine na asikasuhin ang sarili dahil may kalayuan ang kanyang pupuntahan.Nang matapos ang lahat handa na s'yang lumabas ng bahay at umaasang hindi nya makakasabay ang mag-asawa.

Palabas na si Raine, nagmamadaling makasakay agad ng elevator.

"Bingo!" Nasabi n'ya dahil bakante ang dalawang elevator. Agad s'yang sumakay at madaling pinindot ang numerong papuntang ground floor. Naisipan n'ya naring tawagan ang kanyang mga magulang na magkita-kita na lamang sila sa Mansyon ng mga Montreal.

FAST FORWARD

Ilang oras din ang biniyahe ni Raine, bago narating ang isang bayan. Ang bayan na balwarte ng mga Montreal. Tulad ng mga Gustavien, maraming mayayamang angkan ang naging kaalyansa ng pamilya Montreal.

"Welcome to Hacienda Montreal." Nabasa ni Raine sa isang karatola. Malayo pa lamang s'ya ay nakikita n'ya na ang malawak na taniman ng mga bulalak. Mga naghihilerang Green Houses na tinataniman ng mga mamahaling rosas at ibang klaseng bulaklak. Flower Export ang isa sa mga negosyo ng mga Montreal. Lumilipad narin sa ere ang mga drone na nagmamanman sa paligid ng taniman.

Ilang sandali lang abot tanaw na ni Raine ang mansyon ng Montreal. Napapaligiran ang bahay ng mga rosas. Napanganga pa si Raine nang makitang napaka haba ng pila ng mga sasakyan sa labas ng bahay; nagpapatunay na dumating ang buong kamag-anak nila. Nakita ni Raine ang kotse ni Dominique, kaya agad n'yang itinabi ang kanyang kotse dito.

Lumabas si Raine, at diretsong pumasok sa loob ng mansyon.

"Ekk! Raine welcome back!!" Tuwang tuwa ang isa sa mga kapatid ni Gabby nang makita si Raine.

"Ate Georgette, kumusta?" Mahigpit na yakapan ang kasunod.

"We miss you. Balita ko tumagal ka sa Korea. Bakit doon ka pa pumunta at di kana lang tumuloy sa Amerika?" Tanong ni Georgette.

"Gusto kong mapag-isa Ate, at ayaw kong isipin kung ano ang pinagmulan ko."Tanging sagot ni Raine.

"Hay naku, binalita agad sa amin ni Gabby ang nangyari sa previous marriage mo. But we're glad that you're okay now. Ganun talaga Raine, minsan napapahamak lang ang puso natin sa maling panahon. Di bale, hindi natutulog ang Dios bibigyan ka ng kaligayahan mo." Untag ni Georgette.

Halos lahat ng kamag-anak ay natuwa nang makita si Raine, at di akalain ni Raine na buong kamag-anak ay alam ang nangyari sa kanyang nakaraan. Sari-saring opinyon ang kanyang narinig. Lalo na ang..

"Poor guy, he deserves that woman. Wala ba s'yang alam kung anong klaseng pamilya ang pinagmulan ng asawa n'ya? tsk tsk." Sabi ng isang kamag-anak.

"Kaya nga, Raine umiwas sa kanila. Balita namin magkapitbahay lamang kayo. Try to avoid his wife. That woman is dangerous. Kahit ano pang pagmamalinis ng pamilya Pregio, hinding hindi mawawala sa isip naming lahat ang ginawa ng isang kamag-anak nila kay Donna. Mabuti nga't nadiskubre ng lahat ang lihim ng pamilya nila. " Isang salaysay pa ng kamag-anak.

( AN : DONNA MONTREAL - ang main character sa story na IWAS )

"Malas nga lang wala si Donna dito, s'ya ang makapagbigay ng ilang impormasyon tungkol sa pamilya Pregio. Kaya h'wag kang mag-alala. Naghuhukay lang si Eldric ng sariling paglilibingan n'ya." Dagdag na sinabi ng kamag-anak dahilan kinabahan si Raine.

KAAGAWजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें