Chap. 7

1.1K 191 43
                                    

Hindi kumukurap ang mga mata nina Shanti at Raine. Lalong naniningkit ang mga mata ni Shanti gayung nakikita n'yang palaban ang kanyang bagong kapit-bahay.

"Don't threat me, girl. I won't hesitate to smash your face on the floor. H'wag mong pairalin sa akin ang kabaliwan mo." Sinabihan ni Raine ang asawa ni Eldric. Pagkatapos ay umirap at lumayo.

"Bitch.." Nasabi ni Shanti na wala namang nagawa.

Narinig naman ni Raine ang binitawang salita ni Shanti ngunit hindi na lamang n'ya pinansin dahil nagmamadali s'yang umalis. Pagkalabas palang ni Raine sa building, napatiim bagang ang dalaga. 

Naalala n'ya ang unang gabing dumating s'ya sa Condominium at ang di n'yang inaasahang makita ang mag-anak sa loob ng elevator.

FLASHBACK

Nang makapasok s'ya sa loob ng kanyang bahay, agad n'yang tinawagan si Dominique subalit hindi sinasagot ang kanyang tawag. Doon palang parang bulkan na sasabog si Raine. Nais n'yang makausap si Dominique upang magsumbong. Ramdam ni Raine ang pag-iinit ng kanyang dugo, kaya tinawagan naman nya si Juliana. Tulad din ni Dominique hindi rin natatanggap ang tawag ni Raine. 

Hanggang natapos na lamang ang tawagan nila ni Gabby. Hindi n'ya masabi sa kanyang pinsan ang kanyang nararamdaman.

Napapapikit na lamang sya nang kanyang mata nang may dumating na tawag.

"Hello, Ate." Dumating ang tawag ni Juliana.

( Sorry kung ngayon lang ako nakatawag sa 'yo abala ako sa pagbibilang ng mga may utang sa akin. Bakit ba? )

"Ate, ayaw ko sa lugar na 'to."

( What? Ano ba naman 'yan? Akala ko ba nagustohan mo. Kanina lang maayos ang usapan ninyo ni Kuya. Tapos ngayon umiba ang ihip ng hangin. )

"Ate, NANDITO SILA."

( Sinong nandyan? )

Hindi magawang sagutin agad ni Raine.

( Sino ang nandyan, Raine? ) Inulit ni Juliana ang tanong.

"Si Eldric at Shanti."

( Wow, talagang ang liit ng mundo para sa inyong tatlo. Takot ka sa kanila? Dapat sila ang matakot sa 'yo. Babasagin ko pa ang nguso ni Eldric pag nagkita kami.)

"Ate, ayaw kong mabuhay ang dating issue sa amin ni Eldric. Mukhang ayos naman ang pagsasama nila. Mukhang masaya naman sila. "

( Then face them. Ba't ka matatakot? Treat them as strangers. Tapos na kayo ni Eldric. Walang namamagitan sa inyo. Inareglo naman natin lahat noon bago ka umalis. Both families agreed to end the ties between you and Eldric. )

"Gusto kong lumipat ng tirahan."

( Ano? H'wag mong gawin 'yon. Hayaan mo silang maglakad na nakayuko kapag nasasalubong ka nila. Hayaan mo silang unang umatras kapag paparating ka. Bakit? Kasi matatakot sila sa 'yo. Baka sila pa ang di makatiis, sila ang unang aalis d'yan.)

"Ate, tangap ko ang lahat na nangyari sa amin ni Eldric noon. Siguro nakalimutan narin n'ya ang lahat kasi masaya na s'ya. Naging tahimik din naman ang buhay ko eh. "

( Yon naman pala. H'wag mo silang pansinin..as in hindi sila nag-i-exist sa buhay mo. Alam kong masasaktan ka dahil nga may nakaraan kayo ni Eldric. Pero ipakita mong move on kana. H'wag kang lumingon sa kanila. Taas noo ka, kesyo mabundol mo man sila wala kang pake.)

Nag-isip panandalian si Raine.

"Paano kung 'yong anak nila ang papansin sa akin?"

( Eh di batiin mo. Pero syempre, a smile is enough. Then, just go and don't look back. Be tough. )

KAAGAWWhere stories live. Discover now