"You should've accepted it..." naglaho ang ilang salita ni Bjorne dahil sa mahinang pagsita ni Yanna sa kaniya.

I heard a sniff beside me. Ang kamay na humahaplos sa mukha ko kanina ay bumaba sa aking kamay at naging mahigpit ang kapit noon doon. Tila doon nakasalalay ang buhay. Na kung mawawala ang mahigpit na kapit niya sa akin ay kamatayan.

For once, I felt hurt not for me but for him. I'm wondering whether he's showing his true feelings or he's just like this because there is someone watching. Nakakatakot na magtiwala. Ayaw na ng utak ko kahit pa ang puso ko... nakakaalala pa rin kung kanino ito tumitibok.

Rolly, you promised... You will never let yourself be fooled because of love. Because of longing. And I consider this feeling as longingness. Maybe... just maybe... I am still longing for our lovely moments together.

A tiny peck of kiss on my forehead is what I felt before the warmth of his hand left mine.

"I'll leave now..." he said with broken voice.

My jaw moved as I was hurt because of that. Kung pwede lang na pagbigyan ko uli ang aking sarili. Kung hindi lang ako nasasaktan at maaring madurog uli. Kung 'di lang ako natuto... baka maiiyak lang ako at hihilingin na ibalik namin ang lahat sa dati.

But I am no longer the old Rolly. I know better now.

Narinig ko ang isang tapik na nasundan ng papalayong mga yabag. Mayamaya, namayani uli ang katahimikan. Ang paghatak ng silya sa aking tabi ang sumunod na ingay.

Pinakiramdaman ko ang paligid at nang makampante, iminulat ko ang aking mata. Tumambad sa akin ay puting kisame na 'di na bago sa akin. Nilingon ko ang kanan ko at nakita roon si Yanna na masuyong nakatitig sa akin.

"How are you..." she asked gently.

Nakangiti siya nang masuyo sa akin at ang mata ay napupuno ng pag-aalala. Sa kabila ng kalmadong ekspresyon niya, nakikita kong hindi naging madali sa kaniya ang ilang oras na nagdaan.

"Akala ko mamamatay ka na..." aniya na bahagya pang nasinok.

Gumuhit sa labi ko ang isang ngiti.

"Did I worry you so much?" I asked her, almost joking.

Umikot sa kawalan ang mata nito bago ang labi ay nanulis. I already know the answer to my question. Walang kahit anong kolorete sa mukha o sa katawan si Yanna. Ang suot na damit ay pangkaraniwang pambahay niya lamang. Ang buhok ay halatang hindi na nasuklay. Nakatakas ang ilang hibla ng buhok sa pagkakapuyod.

Gayunpaman, hindi maitatanggi maganda ito. Mas nakikita ang natural na ganda.

"Tinaranta mo ako," sita niya sa akin, may himig ng pagtatampo. Nakita kong namasa ang gilid ng kaniyang kanang mata.

Kung wala lang masakit sa akin ngayon ay matatawa ako sa maaalala kanina nang sabihin kong manganganak na ako. Yanna is the one who did everything to calm me down. Siya rin ang nagmaneho patungo rito sa hospital. Huli na nang makarating si Bjorne dahil wala naman ito rito sa Bataan.

Nagkaroon ng katahimikan at nagkatitigan lang kami. Bumuntonghininga siya matapos ang ilang sandali.

"You know he's here, right?" nananantiyang tanong niya.

Hindi ako gumawa ng kahit anong reaksyon. Ni hindi ako nag-iwas ng tingin. If there is something I've learned through the months is to hide my emotions. To fake it. That became my shield to cover myself.

"Bjorne doesn't want him here but he begged. He cried even in front of the nurses. Wala na kaming nagawa."

The image of a Del Rico, crying in front of everyone is something I never knew I'd like to see. Maybe if I see it I'll be able to tell whether he's just faking it or not. O baka gusto ko lang din na makita siyang nahihirapan?

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon