"No, babe. You can't."

Paos na paos ang boses niya na tila kinakapos pa ng hininga. Marahil ay dahil sa kababuyang ginagawa nila sa madilim na silid na iyon.

Nang 'di ko makayanan, in-exit ko na ang video na iyon. Lumuluha ako pero paulit-ulit kong pinalilinawan ang mga mata ko. I opened the second folder name Evangeline and Troi.

One of his secrets. Bagay na 'di niya kailanman sinubukang banggitin sa akin.

There, hundreds of pictures of Troi with the familiar woman on the internet. Naroon siya, masayang-masaya na nakangiti habang hawak ang tiyan ng kasama. There are other pictures that screams romance and love.

Magkahalikan, magkayakap, magkahawak ng kamay. Those were taken years before. Mayroong kasama ang pamilya ng dalawa. Ang ilan ay kapareho pa ng mga naka-post sa social media noong Evangeline.

Base sa ilang mga litrato na nauuna si Troi, siya ang kumuha ng mga iyon. Halong pagseselos at inggit ang nararamdaman ko habang nakatitig sa mga larawan na iyon.

Can I recall a scene where Troi took a picture of us? No! Can I recall a scene that we are this happy? No again.

Basang-basa ng luha ang mukha ko. Hindi na ako nag-aksayang tignan pa iyon at nagdesisyong buksan ang kahuli-hulihang folder.

The truth behind Evangeline Mijares' death.

As I opened it, my eyes squint in confusion. There are pictures of a night club. Kulay pula o 'di kaya ay lila ang mga ilaw. Binuksan ko ang isa at pinalikihan iyon nang mapansin ang isang bultong pamilyar sa akin.

It was me! It is indeed me! I'm sitting on a bar counter while holding a glass of wine on my hand. May kasama ako roon. Dalawang lalaki. Isang nasa likod ko at isang nasa harap ko. Nakatagilid iyon at 'di ko makita ang mga mukha pero abot-abot na kaagad ang kaba sa dibdib ko.

Why is there a picture of me in a club here? Sa folder kung saan nakapangalan sa pagkamatay ni Evangeline Mijares? I swiped it to reveal the other and again, it's me. Kahit nakatalikod, alam kong ako iyon!

Nakaakbay na ako sa dalawang lalaki na inaalalayan ako. Ang isa sa mga iyon ay nakahawak sa baywang ko habang ang isa naman ay sa ilalim ng pang-upo ko.

Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang bultong iyon. Dalawang bultong unti-unting nakikilala ng isip ko. Nang tignan ko ang sumunod, sa elevator na iyon. Nakasandal ako sa dibdib ng lalaki habang ang isa ay nakaupo sa may ilalim ko, nakahalik sa binti ko.

Umakyat ang kilabot sa ulo ko at nagsimula iyong pumintig nang malakas na sanhi ng pagkirot nito. Ang sumunod na larawan ay ako, gulo-gulo ang buhok, nakatingin sa likuran. Hawak ko ang damit ko at walang suot na saplot sa paa.

Suddenly, a memory appears.

"You're not getting away with us, bitch!" I heard a panting enrage voice thundered.

As much as I wanted to cry because of fear, I didn't. Malinaw na mga mata at isip ang kailangan ko ngayon at hindi nakapanghihinang emosyon. Gusto kong makatakas! Makapagsumbong! Makahingi ng tulong para mabigyan ko ng hustisya ang sarili.

Humahangos ako patungo sa parking space ng club. Hinahanap ng aking mata ang sasakyan ng kompanyang pinagtatrabahuhan. Nagmamadali akong tumakbo patungo roon. I lost my keys but I have duplicates inside the car. I used a stone to break the window glass. Ilang metro na lang ang layo sa akin noong lalaki nang makapasok ako sa loob. Naiharang pa nito ang kamay sa pintuan pero buong lakas kong hinatak 'yon.

Hindi ko magawang magdiwang kahit nakitang napuruhan ko ang kamay noon. What I need right now is to leave this place! To run away from this nightmare! Hinanap ko sa dashboard ang duplicate keys ko, nasa tatlo ang mga iyon. My hand is trembling so bad as I try to insert it in the keyhole. When I succeed, I immediately controlled the handlebar and drove away as fast as I can.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsWhere stories live. Discover now