But then... what is the meaning of his conversation with his friend earlier? Why wouldn't he tell me about his ex? Why would his family act strange to me if they're not hiding something?

"Love..."

His sweet voice filled my ear as he steal a quick kiss from me.

"See? You're really not okay. You're spacing out again."

I bit the side of my cheek for my clumsiness. Hindi pwedeng palagi akong lutang at nawawala sa sarili. Hindi tanga si Troi at alam kong kahit papaano, mula noong gabing umakto ako ng kakaiba, may hinala na siyang nakakaalala na ako.

Hindi niya nga lang alam na bukod sa alaalang unti-unting bumabalik sa akin, nagsisimula na rin akong magtanong sa kung sino at paano naging parte ng buhay ko ang isang Troi Del Rico.

Tumikhim ako at ngumiti.

"Iinom na lang ako ng gamot," sabi ko.

Kumuha ako ng isang baso at pinuno iyon ng tubig. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"I'll go get your medicines," he told me.

Tumango ako at nagpasalamat.

Nang maiwang mag-isa muli sa loob ng kusina, nawalan ng ekspresyon ang mukha ko. Nakatingin lang ako sa pintuan kung saan nawala siya sa paningin ko.

Umusli ang dulo ng labi ko sa isiping gaano ko nga ba kakilala ang asawa ko? Ngayon ko pa lamang siya nakasama. Wala pang isang buwan na nakakatabi kong matulog at nakakasabay kumain. Paano ko masasabing kilala ko ang asawa ko?

His footsteps echoed once again. Pumasok siya sa pintuang tinitignan ko. There, what I've been looking for to see is there. His smile. His brilliant smile.

Nakangiti siya nang malawak ngayon sa akin pero kulang iyon. Hindi katulad ng ngiti niya sa larawang naka-post sa account na iyon. I can't see his genuine smile. Nakakasilaw lang, maganda at maaliwalas ang mukha pero wala iyong hinahanap ko na sa litrato nilang dalawa ay nakita ko kanina.

Wala iyong totoong ngiti.

"Here. Drink this..." Inabot niya ang isang tableta sa akin. "And also this. Para hindi mo makalimutang inumin."

Nagtagal ang tingin ko sa isa pang tabletang hawak niya. The medicine I haven't taken for a long time. Ang gamot na nang ipagpaliban ko ang pag-inom ay bumalik ang ilan sa aking alaala.

Kinuha ko iyon at saka parehong inilaglag sa bibig ko. Pinanood niya akong uminom ng tubig. I put down the glass of water and smiled at him.

"Thank you, love," mahinahong sambit ko.

"What do you want to do now? Hindi na ako babalik sa Hospital."

Kinagat ko ang labi ko at kunwari ay nag-isip.

"How about we watch some dramas?" I suggested.

He smiled downward and nodded after.

"Okay. Let's go. I'll prepare the TV."

"Can you go first. I'll just use a comfort room. Napasobra yata iyong takaw ko," mapaglarong sambit ko.

He smirked at that na ikinatawa ko rin. Bago pa siya tumalikod ay nagnakaw muna uli siya ng halik. Nginusuan ko lang siya at saka tinawanan.

Nang maglaho na siya sa paningin ko, dali-dali kong dinampot ang cellphone at nagtungo sa loob ng comfort room.

Inilabas ko ang tabletang nakasingit sa pagitan ng hinlalaki ko kanina. Before Troi could gave me a medicine, mayroon na akong hawak. Thank God because I used that as a substitute to the medicine that I've been taking for a long time.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt