"You should eat more. Para maka-recover ka kaagad."

His warm voice sounds like music to my ear. Kahit walang ganang kumain, pinilit ko ang sarili ko. Lalo pa at nag-effort siya para rito. He also gave me medicine for flu.

Hindi ko naubos ang lahat ng dinala niya pero sapat na ang kinain ko para masabing busog ako. He is also impressed that I ate quite much. Nginitian ko lang siya when he patted my head.

Naging tahimik muli sa silid nang iwan niya ako para ibaba ang food tray. Nang mapag-isa, bumalik sa alaala ko ang tungkol sa nangyari kagabi.

Pumait ang sistema ko. Gayunpaman, I am taking down notes on what I think is important about those memories. Wala akong alam kung sino ang dalawang lalaking gumahasa sa akin. Much more, hindi ko alam kung nabigyan ba ng hustisya ang nangyari sa akin.

Nasa pag-iisip ako nang maalala ko rin ang mukha ni Troi. Mukha niya pero hindi estilo niya. The one I remembered cuffing my face and telling sweet words to me isn't Troi but... Tyron.

Sinubukan kong pagtagpi-tagpiin ang pangyayari. On Alesha Del Rico's party, I met Troi's twin brother which is Tyron. I remember him asking how Troi and I ended up as husband and wife when in fact, he's the one who courted me.

Inakala ko noon na gumagawa lang siya ng kwento dahil na rin sa issue niya sa asawa ko. But now that I had a glimpse of my memory and it includes him, I had a doubt that somehow, he really has a part of my past.

I need to know the truth. Si Troi at si Tyron, malaki ang magiging parte nila para tuluyang makabalik ang mga alaala ko.

I bit my lower lip. My husband won't allow me to meet his brother. He won't allow me to visit my workplace and I guess, even my apartment. Troi's protecting me. I know. Kaya lang, hindi ako maaring mabuhay na lamang ng ganito. Nang walang kasiguraduhan kung ano nga ba ang nakakubli sa mga alaalang nakalimutan ko.

Troi's footsteps echoed as he walks towards me. May maliit na ngiti sa kaniyang labi. I smiled bitterly.

I'm sorry, love. Kailangan ko munang ilihim sa iyo na nakakaalala na ako. Kailangan ko munang alamin ang lahat. I need to do something for myself. I wouldn't burden you. It's just that... kikilos ako nang patago.

"What do you want to do today?" malamyos ang boses na tanong niya.

"Hindi ka ba papasok?" nag-iwas ako ng tingin. "Baka kailangan mong bisitahin iyong pasyente mo," saad ko.

Bumuntong-hininga siya bago umupo sa harap ko.

"I won't leave you here in this state. Sygfrid is there to take care of him," he explained.

Tumango-tango ako. Somehow, I was torn between being happy and sad. Happy because he chooses me this time and sad because I won't be able to leave this place now.

Hindi ako makakatakas.

Ngumiti ako sa kaniya. Pinakatitigan ko ang detalye ng mukha niya. No matter how much I tried to convince myself that it's him in my memory, I can't.

"Rosalie, you're pretty. I always love your simplicity. Ikaw nga lang ang may kakayahang pakalmahin ako."

Those voice, hindi kaniya iyon. Ang mga matang nakatitig sa akin sa mga alaalang iyon, hindi rin pagmamay-ari ng asawa ko.

It's Tyron. Not Troi.

Hindi ko kailanman nabigyan ng kasagutan ang sarili ko sa kung paano ako humantong sa sitwasyong kasal ako sa isang Del Rico? At ngayon, lalo pang dumagdag ang mga katanungan sa isip ko na hindi ko alam kailan mabibigyan ng kasagutan.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon