Overthinking Kills

31 0 0
                                    

Dear Diary,

I have this attitude na kapag nakapagsabi ka sa akin, ng siguro hindi ko inaasahang salita mula sa taong alam ko namang close ko, eh, I will take it personally. Siguro sa iba, sobrang sensitive mo naman. Parang ganun ba.

So, I have this friend at napag-usapan namin yung about sa mga exess (EX 😊) namin.

She was like, "Bagay ba kami?"
Tapos ako, "🤔🤨 (I'm puzzled kung bakit niya naitanong)"

Her: Tingin mo ba bagay kaming dalawa?
Me: Siguro sa point na naging kayo namang dalawa naman before. Pero di na nagwork.
Her: Feeling ko kasi di kami bagay e.
Me: Ako nga di ko akalain na mga ganyang tipo ng lalaki ang bet mo. (May pagka-rakista kasi ex niya)

Her: Pero, parang di kami bagay.
Me: Hindi ko alam isasagot ko sayo. Kasi wala naman ako pwede sabihin about sakanya kasi di ko naman siya kilala. Ikaw lang naman kilala ko sainyong dalawa e.
Her: Sabagay, may point ka. Pero kung dalawa siguro kaming nakilala mo, eh baka magtaka ka pa.

Me: (Di ko talaga gets ung topic namin)

Her: Ikaw ba? Sino yung pinakamatagal mong ex?
Me: Ah. Yung 3years yun. Ex siya ng BFF ko.
Her: (shookt siya 😳😲) Hala!! Hindi ko alam na ganyan ka pala. Yak kadiri!
Me: Huh? Anong kadiri?
Her: Ex na yun ng BFF mo tapos pinatulan mo pa.
Me: Bakit? Masama bang patulan ko yung ex ng BFF ko?
Her: Eh kahit na. Kasi isipin mo, yung ginagawa nila dati, ginagawa niyo din e. Tapos BFF mo pa.
Me: Eh ano naman? Wala na sila. At, maayos namang nanligaw ung lalaki sakin.

To cut the story short, nakakadiri daw diumano ako. Dahil pinatulan ko ang ex ng BFF ko.

Una sa lahat, naghiwalay sila hindi dahil sa akin.
2nd, naging friends kami ng lalaki for about a year.
3rd, walang batas na nagsasaad na bawal mahalin ang ex ng bff mo. Duh? Arte much.

Kung sasabihin nila sakin dahil sa delicadeza or kung-paano-man-ang-spelling-nun, I don't care, kasi naman, matagal na silang hiwalay. Wala akong nakikitang bawal sa ganun.

So, ayun na nga, hindi na muna ako lumalapit sakanya or nakikipag-usap sa friend kong yun. Madalas naka-earphones ako para kung tawagin man niya ko, hindi ako lilingon at hindi ako sasagot sa anumang sabihin niya.

Hindi ako galit pero araw araw akong nag iisip para sabihan niya kong "nakakadiri".

Yes. Overthinker ako. Hirap na hirap akong alisin ung sinasabi ng iba sa akin. Kaya wag kang magtaka kung naka-earphones ako parati. Kasi takot akong makarinig ng masasakit na salita. Mabilis akong ma-discourage sa lahat ng bagay. At yes, stress eater ako. So, kapag nag iisip ako, may pagkain parati sa tabi ko. Ang hirap alisin sa sistema.

Kaya wag kayong magbibitaw agad ng salita basta basta. Isipin niyo muna kung masyadong masakit yun sa sasabihan niyo. Hindi niyo na kasi yun mababawi at hindi nadadaan ang lahat sa sorry lang. Ok sorry. Pero uulitin niya na namang magsabi ng ganun. Sorry is not enough. At torture yung mga masasakit na salitang ganyan para aming mga overthinkers.

I try to look optimistic here. Pero sa tuwing naiisip ko yun, shet, bumabalik ako sa pagiging negatron ko.

I hate this feeling, sa totoo lang ha. Wala ka na ibang iisipin kundi yung last na eksena at last na salitang nasabi sayo.

Parang sa magulang ko, sinabihan nila akong, FAILURE daw ako. Deym, rewind ng rewind sa utak. Hanggang sa umayaw na ko mag aral.

Ayoko magbigay ng sad or nega feeling sa entry kong to.

I hope everyone is aware na, hindi tayo pare pareho ng ugali, sitwasyon, estado sa buhay etc. Sana mas maging mabait tayo sa bawat taong nakikilala, nakikita or nakakausap natin. Be kind in every way, everywhere and anytime. Be a blessing.

Spread love.

Ps. May part yung ex ko dito sa puso ko kahit 3years na kaming hiwalay. And, siya lang ung naging boyfriend ko na ex ng BFF ko.

My Diary, Where stories live. Discover now