An EARTHQUAKE 😲😲

34 0 0
                                    

Dear Diary,

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakadama ng lindol. Believe it or not, ngayon pa lang talaga. Hindi ako ignorante or bobo. Sadyang sa twing lumilindol, parati akong tulog. Ngayon lang ako gising at ngayon ko lang nadama ang ganitong yanig.

Nakahiga ako sa kwarto at naglalaro ng COC, nang biglang umuga ang double deck at bumukas ang pintuan. Agaran akong lumabas ng kwarto upang pumunta sa salas at hanapin ang may-ari ng bahay na inuupahan ko. Ilang minuto lamang ang itinagal ng yanig pero nakakakaba talaga ang pamgyayari. Big time.

Hindi ko alam kung matutuwa ako or hindi. Pero isa lang suggestion ko sainyo, lagi kayong magdala ng pito (whistle). In case of emergency. Ako mismo may pito akong dala dala at nakakabit siya sa ID ko parati. Lalo na at nasa mataas na floor kami ng building.

I hope maayos kayo. And for those na katabi ang dagat, please evacuate if may warning na ang mga awtoridad sainyo. Pakiusap, huwag na kayong magmatigas pa. Mas mahalaga ang buhay niyo kaysa sa bahay niyo. Ang bahay maiaaayos pang muli, ngunit ang buhay mo ay iisa lamang.

Ingat kayo readers. Spread love, no hate.

My Diary, Where stories live. Discover now