Ika-lawang Giling*** Dukutin ang Laman >part I<

11.9K 63 2
                                    

Cavanata II




hahaha.... Kay gandang dalaga mo naman ineng, aba'y kahusay talaga pumili ng aking mga anak, di mo naitatanong ang kuya niyan ay may asawa na din at muntya din yuon noon.


Gusto kong matawa sa tatay ni Badong kung alam nya lang kung gaano din kagusto ng anak niya maging mutya ng bayan ewan ko na lang.


Ngumiti na lang ako ng kime sa kanya bilang pag sang-ayon.


Coring, kumain ka muna. Ngiting-ngiting sabi sa akin ni aling minda ang nanang ni Badong paanung di yan ngingiti sa akin ng ganyan eh, kakunchaba yan ng malandi niyang anak. Tangiwi tuloy akong ngumiti sa kanya.


Bwisit na Badong yun nasaan na kaya.


Tingnan mo nga naman aneng bata itong minda, sing ganda mo noong kabataan mo di ba.


Ngiting-ngiting sabi ng tatay ni Badong sa asawa niya.

Anak ng! binola pa si aling minda mamya mo nyan makabuo pa tong dalawang ito. Sa naisip ko iyon natawa na lang ako bigla.


Ako talaga at natutuwa, iha kay sa ilang pagpabalik-balik ko dine eh, ngayon lang nag pakilala ng kanyang nobya yang aking bunso at tingnan mo nga naman oh, ika nga nila worth of waiting for.


Ewan ko pero bigla na lang unti-unti nawawala yung ngiti ko, naawa ako sa tatay ni Badong.


Nalipat ang tingin ko kay aling Minda maski siya nawala ang masaya niyang ngiti mukhang parehas kami ng iniisip.


Bakit nga ba ako napasubo dito?


Bakit nga ba ako pumayag kay Badong?


Bakit ako nag padala kay aling Minda?


Bakit nga ba dito napunta ang usapan namin ni Badong kanina?




******


Sus nobya lang pala edi unahan mo, magpakita ka ng nobya mo kuno, para matahimik na si tatang mo, humanap ka ng pansamantalang nobya mo para naman di naaligaga si tatang mo, aba maghihinala nga iyon na bading ka kung ilang taon ka na eh wala ka pa ni isang babaengnapapakilala sa kanya, bukod sa akin na kaibigan mo pa. mahaba kong sabi sa kanya pero paglingon ko.


Tumitig siya sa akin, yung tipong akala mo tinubuan ako ng isa pang ulo.


Minsan talaga matalino ka eh no? ngiting-ngiting sabi niya sa akin.


Napalunok ako bigla may di ako magandang nararamdaman sa mga tingin niya.

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora