Ika- Labing Lima Giling *** Sumpa

2.9K 33 1
                                    


Cavanata XV


----This chap contain Bulgar words please bear with me...





Sininghot niya ito na parang hayuk na hayok.


"Ang bango-bango mo talaga Coring..." nag tayuan ang balahibo ko sa batok nang marahan niyang ikuskos sa mukha niya ang bra ko.


"Tigilan mo nga yang bra ko! Maligno ka!" ngumisi siya sa akin saka marahang lumapit napaatras naman ako sa aking kama, di na ko naghanap ng ipang babato mahirap na baka mamaya panty ko naman ang madampot ko!


"Kahit anong gawin mo! Kahit saan ka tumakbo! Pagmamay-ari na kita!" marahas niyang sabi sabay damba sa akin.


Mabilis akong tumalon papunta sa kabilang side ng papag.


"Nay!" malakas kong sigaw saka tumakbo papuntang pinto.


Nanginginig ako sa takot, yung mata ni Vladimir halatang hindi siya papayag na walang kahinatnan ang gusto niya.


"Kahit anong sigaw mo walang tutulong!" sabay takbo niya sa akin.


Malakas akong napatili sabay hatak sa pinto para makatakbo palabas.


"Ah! Ugh..." namilipit ako sa sahig ng malakas akong bumaksak.


Ang hayop na to hinatak ako ng malakas sa paa kaya naman malakas din akong bumaksak sa aming sahig.


"Wala kang pupuntahan..." nakangising dimonyo na siya saka ako hinatak mula sa buhok.


"Ah! Tang na mo! Bitiwan mo ko!" naghehisterikal na ako, ni hindi ko mainda ang sakit ng pagkakahatak niya sa buhok ko sa sobrang kaba at kalabog ng dibdib ko, nasaan ba ang Nanay ko? Bakit kahit anong sigaw ko di niya ako marinig?


Mas lalo lang nadagdagan ang takot sa dibdib ko ng kung anu-ano na pumasok na haká sa aking isipan.


"Sabi nang bitiwan mo akong maligno ka!" sigaw ko habang Pinagkakalmot ko ang braso niya.

"Aray! Letseng babae ka!" malakas niya akong hinagis sa papag dahilan para tumama ang aking balikat sa kanto nito.


Mariin akong napapikit para pigilan ang namumuong hiyaw ng pagdaing sa sakit sa aking lalamunan.


~Pipigilan ko ito, hindi ko ipapakitang nasasaktan at natatakot ako.


Kailangan kong kumbinsihin ang aking sarili naghahalo ang mga takot sa aking isipan at hindi ako makapag isip ng maayos kung ano ang gagawin.


"Nasan ang Nanay ko?! Anong ginawa mo sa Nanay ko, talipandas ka!" naramdaman ko ang hapdi sa aking lalamunan dahil sa pagkakatuyo nito gawa ng aking takot at kaba isama pang mula kanina ay sinusubukan ko nang magsisigaw upang humingi ng saklolo sa maaring makarinig sa akin.


"Hinahanap mo ang Nanay mo?" hayan naman ang ngising dimonyo niya marahan siyang gumapang sa aking paanan, mabilis kong ibinaluktot ang aking binti ng tangkain niya itong hawakan.


"Hahahaha... Gan'yan nga Coring, gustong-gusto ko talaga ang katapangan mo." tuwang-tuwa niyang sabi habang hinahagod ng kanyang tingin na punong-puno nang pagnanasa.


Napamulagat ako ng mabilis nitong hinubad ang kanyang pang itaas na damit saka lumapit sa akin.


Malakas at sunod-sunod akong napaubo ng makalapit siya sa akin.


"Tang na!" malakas ko siyang sinipa dahilan para makalayo siya sa akin.


"Ang buong akala ko kulay kalawang ka lang! Pati ba naman sa amoy?! Amoy sumpa ka!" nagmumura sa hapdi ang ilong ko sa sobrang baho ni Vladimir yung totoo saan napupunta ang kayamanan nila at sobrang malas ng lalaking ito?!


"De puta kang babae ka!" mura niya sa akin habang hawak ang tyan niyang nasipa ko.


"De puta ka rin!" balik ko sa mura niya.


"Aba! Hindi nga ako mahahawaan ng kulay kalawang mo na balat! Mamatay naman ako sa baho mo! Yung totoo saan napunta ang yaman n'yo? Hoy! Taong maligno piso lang ang tawas subukan mo kaya gumamit nun! Malay mo pumuti ka na! Nawala pa'yang sumpang amoy mo!" nangigil na sigaw ko.




~ke barbaridad, mukha na nga siyang isinumpa amoy, sumpa pa siya! Di kaya ipinaglihi ito sa sumpa?





---oOo--


Good day everyone! thank u so much for supporting mg story...

before my exam start... I will regularly post the update... M/W/F will be the update...


please vote and comment...


thank U




Love:

Crazybhabiemhine <3

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGWhere stories live. Discover now