Ika- Labing Walong Giling *** Batman

2.3K 33 1
                                    


Cavanata XVIII




            "Ilalawayo kita dito... Aalis tayo dito..." mahigpit niya akong hawak habang binabaybay namin ang daan palabas ng bahay.


"A-ano?" naguguluhang sabi ko.


"Aalis tayo sa lugar na ito Coring... Ilalayo kita... Malayo sa mga mananakit sayo..." Napatitig ako sa mga mata niyang kulay tsokolate na kumikinang sa gitna ng dilim.


Naglalagablab ang galit sa kanyang mata nararamdaman ko iyon sa higpit ng kanyang pagkakahawak sa akin.


"Pa---paano?" Nanakit ang aking lalamunan at buong katawan masakit ang bawat bahagi nito pero ang isip ko ayaw tumigil sa mga katanungan.


"Gago yun! Buti na lang naisip ko dumaan sa bahay ninyo." Nanggagalaiti ang kanyang mga bagang.


Para siyang mabangis na hayop na handang pumatay kahit anong sandali.


"Shit! Coring..." Naluluha niyang idinikit sa akin ang kanyang noo na para bang mawawala ang takot niya pagginawa niya iyon... Na para bang mabubura nun ang mga nangyari...


Marahan kong ipinikit ang aking mata at ninanam ang sandaling ito...


Para siyang isang prinsipe...


Isang prinsipeng handang gawin lahat para sa mahal niya prinsesa...


Para siyang isang matipunong lalaki sa mga nababasa kong kwento...


Para siyang isang magiting na Anghel...


"Buti na lang dumating ako..."


Isang tunay na lalaki, isang----


"Muntikan nang machugi raf-raf ang kampupot mo girl."


Isa siyang yummy na bakla!


Letse! Biglang nawala ang pananakit ng katawan ko.


Biglang luminaw ang takbo ng isip ko...


Naitong super hero ko...


Hindi batman ang bet na costume...


Gusto nyang costume DARNA!


Isa siyang alimango na lumulunok ng bato!


Batong masarap ihampas sa kanya.


"Alam mo yung panira ng panaginip Badong? Ikaw iyon!" Nanggigil ako sa inis! Letseng bakla ito walang sandaling sinira mo ang moment ko!


"Aba! Malandutay ito" gulat niyang sabi sa akin. "Don't tell me, wanty wanty mo rin magpa chuvakana sa hepa boy na iyon?!" Kanda irap niyang sabi sa akin.


Isang malakas na batok ang binigay ko sa kanya.


"Gago ka! Magpapabugbog ba ko ng ganito kong gusto ko ipawarak sa engkantong iyon 'Kikingdom' ko!" Binabawi ko na! Hindi siya prinsipe! Hindi siya Anghel.


Letse siya! Letse!


"Aba! Malay ko, want lalu mo pala yung gumbagenes muna bago ang chuvakana." Kanda haba ang nguso niya.


Yung letseng nguso nya talaga ang masarap gamiting pangbigti eh...


Pangbigti sa kanya.


Tatampalin ko sana ang pagmumukha niya ng mapansin kong palabas na kami ng aming sitio pero buhat-buhat parin niya ako.


~~~infairness ang lakas ng bakla! Ilang minuto na rin niya akong buhat ah, ganoon na ba ako kagaan? Or sadyang lumonuk ito ng bato ni darna kaso di tumalab ang pagbabagong anyo kaya yung lakas na lang ang nakuha.


"Sa-saan tayo pupunta?!" Bigla akong tinubuan ng takot sa tinatahak namen.


Muli namang bumalik ang seryoso niyang mukha, saka tumingin sa akin.


"Doon sa malayo... Sa hindi ka nila maabot... Sa lugar na sisiguraduhin kong hindi ka masasaktan kahit nino." Nakatiim bagang niyang wika.


"Alam mo kasi Badong... Okay na yung linya mo eh... Kaso tarantado ka wala akong damit! Iyang kamay mo! Nakadakot sa dede ko!" namumula kong sigaw sa pagmumukha niya.





---oOo---


Second UD for this night... enjoy!


love yah! :-*


ps: VOte and Comment





Written by:

Crazybhabiemhine

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGWhere stories live. Discover now