Ika- Tatlongpu't-isa na Giling ***Names***

1.6K 33 2
                                    



Cavanata 31



(Edited)

Kung mayroong iisang bagay ang makakakitil sa buhay ko ngayon iisa lang sigurado ko, yung mga matang kung makatingin sa akin wagas!


"Mister kung ikaw hindi napapagod kakatingin sa akin ng ganian, aba ako pagod na pagod na baka gusto mo ipahinga iyang mata mo." Nakaingos kong sita sa kanya.


"Are you commanding me in my own house?!" ayan naman siya sa kakasigaw niya.


"Tagalog po pwede!" balik ko namang sikmat sa kanya.


Sabihan na ako nang walang utang na loob pero kung ganito naman ang makakasama mo mukhang hindi ka tatamaan ng kagandahang asal eh.


"Don't you dare use that tone me woman! You are still on my house I can kick you any moment!" nanggigil niyang sabi saka bumira ng talikod.


~Eh kung ikaw kaya sipain ko? Kanina mo pa pinapasakit ang mga brain cells ko!


Huminga ako ng mamalim saka ibinalik ang pangin ko sa orasan.


"Ang tagal... ang tagal naman..." mahina kong bulong.


Halos apat na oras nang wala ang lalaking nagpakilalang pulis pero hindi pa din siya bumabalik, gustong-gusto ko nang makita si Badong sana maayos lang siya, sana ligtas siya... sana... sana...


Napapikit ako nang mariin para alisin sa isip ko ang huling alala ng mukha niya.


Ayoko maalaala ang mga mata niyang puno ng pagsuko, gusto kong makita ulit yung masaya niyang mukha, mga matang nagnining sa mga iniisip niya kakaiba.


"Badong..." isa-isa namang naglaglagan sa mata ko ang mga luha, dahil kahit anong tanggi ko o iwas hindi maiaalis sa isip at puso ko ang takot na baka iyon na huling beses na makikita ko siya.


"His name sounds awful." Mabilis na bumaling ang tingin ko sa lalaking masungit.


Sinamaan ko siya ng tingin habang pinupunasan ang luha ko.


"Maka pangit ka dyan! Bakit maganda ba pangalan mo!" sikmat ko naman.


"My name's suit to me well, as well my face and personalities" nangungutya niya akong nginitian.


"At bakit ano ba pangalan mo? Arthur? William? Erick?"


"The fuck with those name so gay." Nakangiwi niyang sabi.


"Bakla mo mukha mo! Hoy! Manong for your information pangalan ng mga prinsepe iyon!" pinanglakihan ko siya ng mga mata.

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGWhere stories live. Discover now