Ika- Dalawampu't- Isa na Giling ***Asawa***

2.3K 35 2
                                    





Cavanata 21



"Coring... gising andito na tayo..." mabilis akong napamulat at saka liminga sa paligid ko.


"Ayus ka lang?" nag-aalala niyang tanong.


Marahan akong tumango saka humawak sa dibdib ko tumahip kasi ito nang malakas, marahil dahil sa biglaang gising.


"Halika na baba na tayo," marahan niya akong hinatak pababa ng bus.


Pagtapak na pagtapak ng paa ko sa lupa isang malalim na hinga ang aking pinakawalan.


~Ito na talaga... bagong mundo... bagong buhay...


~Nay... bakit ganito kasakit


Napatiim bagang ako saka tumingin sa malayo.


"Halika ikain na lang muna natin iyang mga iniisip mo." Nakaakbay niya akong hinatak papalayo sa terminal.


Pumasok kami sa isang karinderya, medyo madaming tao dahil na rin siguro sa malapit ito sa terminal.


Pero ang nakakainis ay ang mga kakaibang tingin ng mga tao sa amin lalo na yung mga lalaki na kung makahagod ng tingin sa akin ay parang kakainin na nila ako.


Umupo kami sa pinaka dulo ng kainan pero kahit nasa dulo na kami ay nakasunod parin ang mga lalaking iyon ng tingin sa amin.


Nang lumayo para kumuha ng makakain si Badong ay hindi ko inaalis ang aking tingin sa kanya pakiramdam ko bigla siyang mawawala at maiiwan ako sa mga taong ito na walang gagawin kundi masama.


"Hi, Miss..." mabilis na napabaling ang tingin ko sa isang lalaking nakatayo sa harapan ko.


Mas maitim siya sa normal na moreno halatang nasunog ang kulay niya sa araw may nga iba't-ibang tatoo rin siyang nakaukit sa katawan, may kakapalan ang kilay at bigoteng parang isinabog na lang basta sa mukha niya.


"B-bakit po?" nauutal kong sabi, napakapit ako ng husto sa bag na iniwan ni Badong sa nangyari sa akin ng nagdaang gabi wala ibang taong mapagkakatiwalaan maliban kay Badong...


Walang taong hindi ako sasaktan maliban kay Badong, kaya lagi akong magiging handa sa mangyayari.


Tumingin ang lalaki sa kamay ko saka ngumisi, ngising nagpapahitawatid ng panganib.


"O, relax lang wala naman akong gagawin sayo... Gusto ko lang malaman kung bagong ka lang dito... Alam mo kasi---"


"May kailangan ka Mister?" naputol ang sasabihin niya ng biglang lumitaw si Badong na may dalang pagkain at nakatiim bagang.


"Ah, kasama ka ba niya?" halatang nagulat ang lalaki saka umusog ng kaunti mabilis namang inilapag ni Badong ang mga pagkain saka nakatayong tumabi sa akin.


"Ako ang unang nagtanong kaya dapat lang na ako ang una mong sagutin." buong-buo ang boses niya na para bang nanghahamon ng away.


Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya, naghahanda sa kung anong pwedeng mangyari.


~Kahit anong mangyari hinding-hindi ako bibitaw Badong... Hindi tayo pwede magkalayo.

"Ikaw naman pasensya na kung nagulo ko kayo ng kasama mo... May nais ko lang naman malaman kung bagong salta lamang siya kamukha kasi niya yung pinsan ko." nakangsi paring sabi ng lalaki saka muli akong hinagod ng tingin.


"Hindi siya ang pinsan mo, kaya umalis ka na at wag mong tingnan ng ganian ang ASAWA KO." marahas akong napasinghap sa sinabi niya.


~Asawa? Kelan pa? Saka naalog ba sa byahe ang utak ni Badong? Kelan pa siya nagkaroon ng pagnanasa sa akin? Well di naman sa nag-iinarte ako... Pero sana naman na inform ako para di ako nagugulat na pagbaba ko ng bus eh asawa na niya ako agad!


"Ganoon ba?" tinitigan niya ng husto si Badong saka muling ngumisi. "Sige... Sabi mo eh..." nginisahan niyang muli si Badong bago tumalikod.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Sasagot na sana ako ng muli naming marinig ang boses ng lalaki.


"Bata! Inggatan mo iyang ASAWA MO baka biglang maglaho iyan." saka ito tumawa ng malakas bago lumabas ng kainan kasunod ng ilang kalalakihan.


Dumadagundong sa kaba ang aking dibdib alam na alam ko ang pakiramdam na ito para lang nung nakaraang gabi.


Mabilis na umupo sa harapan ko si Badong.


Seryoso at nakatiim bagang.


"Bilisanmong kumain Coring kailangan maka alis tayo agad dito, nanganganib ka sa lugar na'to" nakatiim bagang niyang wika.






---oOo---


Pls Vote and Comment




Written by:


Crazybhabiemhine

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGKde žijí příběhy. Začni objevovat