Ika- Apatnaput-anim na Giling ***Lulu***

1.1K 23 1
                                    


Cavanata 46




“Remember don’t touch anything.” Heto naman kami sa don’t touch, don’t touch niya nakatayo na kami sa harap ng isang pinto ewan ko kung bakit kailangan pa namin tumambay dito masakit na kaya ang mga binti ko at gusto ko nang umupo!

“Oo na, para kang timang Luke paulit-ulit?” inikutan ko siya ng mata pero sapok sa ulo ang inabot ko sa kanya.

Bayolento tong bakla na ito.

“You stupid! What did I tell you to call me?” hinimas ko ang nuo kong nasaktan abnoi tong si Luke daming arte.

“Bakit kita tatawagan, telepono ka ba?” hah, akala ata niya papaapi ako, sige tubuan tayo ng ugat dito matira matibay.

“Are you being sarcastic to me?” namumula naman yung mukha niya.

Pikon talaga tong isang ito eh.

“Hindi naman sarcastic ang pangalan ko. Coring po.” Nye, nye sige magpikunan tayo, inapi mo ako kanina pwes ako naman.

“Stop being sarcastic or I will throw you away and remember.” Matiim niya akong tinitigan habang nakaturo ang hintuturo sa harap ng mata ko.

“Call me master Luke, it’s master Luke to you. Not just Luke understand?” ang lapit ng mukha niya sa akin hindi naman ako naduling sa daliri niya naduduling ako sa lapit ng mukha niya.

“Paano ko maiintindihan kung puro ka inglis simulan mo kaya sa pagtatagalog baka sakali pang maintindihan kita.” Nakalabi kong sagot.

Na gets ko naman kaso naman po kaunti lang memory capacity ng utak ko sa dami ng English words na lumalabas sa bibig niya sa sampung sentence maswerte na ko kung may dalawa ang naintindihan ng mabilis yung iba loading ang tagal ng process!

“Are you ordering me?” salubong na yung kilay niya, halatang inis na inis na sa akin. Pero dahil mas inis ako hindi ko siya bibigyan ng katahimikan.

“Bakit? Fast-food ka ba para oderin kita? Gwapo ka oo, pero hindi ka yummy! Feeling mo naman si Coco Martin ka?” namilog lang yung mata niya nung sinabi ko iyon.

Dadal-dal pa sana siya ulit kaso biglang bumukas yung pinto sa harap namin halos lahat ng nasa loob nakatingin sa aming dalawa papalit-palit ngayon lang ata sila nakakita ng Dyosa na katulad ko, at buhay na alagad ng dilim sa katauhan ni Luke.

“What?! Ngayon lang kayo nakakita ng tao?” si Luke na puro sigaw dinaig pa ang babaeng tigang na never nadiligan.

Kanya-kanyang iwasan naman ng tingin yung mga tao sa loob, aba kahit ako iiwas ng tingin yung mata kasi ni Luke parang may dalang sumpa.

Mabilis niya akong tinulak papasok sa loob tingin ata talaga sakin nito sako.

“Stay here! Don’t move and don’t touch anything.” mariin niyang sabi.

“E, ang huminga hindi bawal?” nakatikwas ang kilay na sagot ko kaso mo hindi na niya narinig dahil binirahan na niya ng lakad palayo sa akin.

Kaya eto ako naiwan mag-isa sa tabi, paano kaya pagnaiihi ako bawal daw kasing gumalaw pang tanga talaga yung mga gimik ni Luke eh, sarap sipain.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid puro mga palakad-lakad na tao, ang paligid ay napapalibutan ng mga ilaw halos lahat ng nakikita ko ay puti.

“Hello.” Napabaling ako sa kaliwa ko ng may biglang kumalabit sa akin bahagya pa akong napaatras sa lapit ng mukha nito.

“Eh?” alanganin akong ngumiti sa kanya yung ngiti naman kasi niya di ko alam kung pang normal o ano, ang laki ng ngiti eh.

“Hi, ang ganda mo naman ako nga pala si Lulu.” Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.

Nakita ko na sa mga pinapanood kong palabas ito eh na pag may nag-abot sayo ng kamay dapat kamayan mo din.

“H-hi din.” Marahan kong binawi ang kamay ko saka muling tumingin sa paligid para hanapin si Luke.

“Naiilang ka ba sa akin girl?” muli naman tanong niya.

Kimi lang akong nguniti para iparating na oo ayoko naman barahin baka ihagis ako palabas ng kwartong ito.

Marahan niyang itinaas ang buhok ko.
Mabilis naman akong napalayo sa kanya.

“Ay! Betchin virgin.” Pumapalakpak pa niyang tili.

Napakurap-kurap ako sa kanya ng ilang beses.

“B-bakla ka?” tinitigan ko siya mula paa hanggang mukha.

“Yesterday and tomorrow! Bakit di ba halata?” nagnining ang mga mata niya sa saya, marahan naman akong napatango wala naman kasi sa itsura niya ang pagiging bakla mukha siyang babae mas maganda pa nga siya sa akin.

At dahil gusto kong patunayan mabilis kong hinawakan ang harapan niya.

“Ay! Bakla wag mo ko molestyahin!” tinapik niya ng malakas ang kamay ko.

Napatingin naman ako sa paligid huminto ang mga tao sa ginagawa nila at tinitigan kami.

Naramdaman ko naman ang pamumula ng mukha ko kaya napayuko ako, marahan ko namang sinilip si Lulu na nakahawak pa rin sa harapan niya natakot ata na dakmain ko ulit ang mandirigma niya.

“S-sorry…” nahihiya kong bulong.

At nagsasabi naman siya ng totoo mukha lang siyang babae pero ang mandrigma niya parehas pa din ng sa tatay niya.

“My god! Hinawakan mo ang puri ko!” hinampas niya ako sa balikat napangiwi na lang ako sa lakas ng palo niya.

“S-sorry… gusto ko lang naman malaman if bakla ka nga hindi ka kasi mukhang bakla.” Pinipilit akong umiwas sa hampas niya sa akin.

“Hah” marahas siyang nagbuga ng hangin. “Hindi ko alam if matutuwa ako sa sinasabi mo o maiinis pwede mo naman ako tanungin hindi yung nangdadakma ka.”

“S-sorry na ulit.”

“Naku!” inambahan niya ako ng sapok kaya naman mabilis akong napapikit.

Pero hilbis na may maramdaman akong mabigat  kamay ay isang baritonong boses ang pumailanglang sa paligid.

“Don’t you fucking hit her, or I ganna break your arms.”






----oOo---

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGWhere stories live. Discover now