Ika-Labing Dalawa Giling*** Orange

3K 27 0
                                    



Cavanata XII




Pabalikbalik ako nang lakad sa sala ng bahay namin halos gabing-gabi na pero eto ako at aligaga sobra akong nag-aalala kay Badong kaninang hapon ang pinaka nakakasopresang pangyayari sa buhay ko, walang-wala sa pasabog ng Nanay ko hanggang ngayon nanginginig pa rin ako ng makitang ko ang reaksyon ng tatay niya.


Napa sign of the cross naman ako sa totoo lang kanina pa ko tumatawag sa lahat ng Santo ipinagdarasal ko ang kaluluwa niya pati katawang lupa ni Badong.


"Oh! bakit gising ka pa?" napahinga ako ng malalim saka nag-iwas ng tingin, napahilamos ako sa mukha, wala na kong energy para sa Nanay ko.


"Halika pasok ka, doon ka na lang matulog sa katabing kwarto ni Coring." Nakakunot ang noo kong napalingon ako sa Nanay ko kung sinong masamang enkanto ang kausap niya.


At talagang di ako tatantanan ng mga masamang elemento narito at ngiting-ngiti sa isa't-isa ang Nanay ko at si Hepa Boy.


"Bakit andito yan?" gimbal kong turo kay Hepa Boy habang ang Nanay ko kung maka ngiti dinaig ang mga nangangampanya!


"Aba bakit? sya ang mapapangasawa mo may karapatan siyang matulog dito, mabuti nga iyon ng masanay na kayo sa isa't-isa." balewala niyang sabi.


"Aba, Nay di ka talaga papaawat no? baka bukas magulat ako ipilit mo na ding magsama kami sa iisang kwarto." Wala akong pake kung natatarayan sila sa akin! gabing-gabi na binibwisit pa nila ako aba baka magliyab na ako sa galit! itong di ko na alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko para lang hindi ako mag-alala kay Badong.


Bi-bwisitin naman nila akong dalawa.


"Pwede din... gusto mo ngayon na?" nakataas ang kilay niya sa akin.


Gusto ko sana sundin yung bruhang bahagi ko, sabi ng bruha kong bahagi hatakin ko yung kilay nang Nanay ko lalo na at naghuhumiyaw na kulay orange ito! imagane! People of the world! makita ninyo ang Nanay ninyo sa dis-oras nang gabi naka-arko ang kilay sayo together with her eyebrow liner na orange ewan ko na lang pag di kumulo ang dugo mo!


"Subukan mo Nay! hindi ako mag dadalawang isip na sunugin ang bahay na ito kasama yang Hepa Boy na yan! Saka akala ko ba mayaman yan? Bakit siya pa ang makikitulog?" saka ko ito tiningnan ng masa! at ang piste kung maka akto akala mo sinong gwapo. Ngi-ngisi ngisi siya sa akin habang hinahagod niya ang baba niya ng daliri niya kung makatingin pa sa akin eh!


"Hoy! Gago! wag mo akong matingnan tingnan ng ganian baka ilibing kita!" saka ako bumira papasok sa kwarto malakas kong sinara yung pinto ng kwarto ko para dama nila kada himaymay ko nanggigil sa inis.


Padabog akong naupo sa papag ko saka nag papadyak nang upo.


"Bwisit ngayon nandito na yang Hepa Boy na yan." malutong akong nagmura sa isip ko.


Gusto ko naman labasin at awayin yung nanay ko, hindi ko malaman kung ano pakulo niya at ayaw niya ako tigilan dyan sa mga pakulo niyang kasal eklabo! di ba niya naisip na kawawa ang kagandahang ibinudbod sa akin ng maykapal? pinaghirap ako ng Diyos para maging ganito kaganda! tapos ibinigay lang niya ako sa isang taong kalawang wala na ngang hustisya! walang pang patawad! Nga-ngawa na sana ako kung pwede ko lang pilitin si Badong maging lalaki siya na lang kakaladkarin ko papunta sa simbahan, Iyon walang talo lahat ng bahagi nun panalo! masarap! Kaya lang bigla akong nagising sa pantasya ko nung maalala ko ang kalagayan niya nag-aalala pa din ako kay Badong.


Lumakad ako palapit sa aparador ko saka kinuha ang maliit nakahon at inilabas ang isang bracelet.


Isa itong silver na may palawit na mga anghel regalo niya sa akin nung nag debu ako.


Kumakabog naman ang dibdib ko ng malakas iniisip ako ang nangyayari kay Badong ngayon at kanina.







+++++++++++++++++






"Ulitin mo nga ang lahat ng sinabi mo Badong!" nanggagalaiti ang mga bagang niya.


Oh gad!


Oh gad!


"T-Tang..." halos di ko na marinig ang boses ni Badong sa sobrang kaba niya.


"T-Tatang..." pati ako nanginginig sa takot.


Wala naman kasi nag-briefing sa akin na ganito pala nakakatakot magalit ang isang Major. Baldimino Juan Dimagiba JR. Juice me! papanawan ata ako ng kaluluwa.






----Tobe Continue



Pls Vote and Comment ^___^V

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon