Ika- Dawampu't Tatlong Giling ***Die!***

2.2K 31 3
                                    



Cavanata 23






"Kita mo nga naman ang swerte..." napamulagat ako ng mula sa kung saan ay lumitaw ang isang lalaki.


Napalunok ako ng mariin ayoko ng mga tingin niya namumulang mata, at mayroon siyang mga kakaibang paggalaw ng panga.


"Halika dito Coring." mabilis akong hinila ni Badong papunta sa gilid niya saka humakbang ng mabilis pabalik sa nilakaran namin kanina.


"Saan naman kayo pupunta ng kasama mong masarap?" mula sa kung saan ulit ay may lumabas na isa pang lalaki.


Mas lalo ko pang naramdaman ang paghigpit na hawak ni Badong gusto kong magreklamo ngunit mas nangingibabaw ang nararamdamang kong takot.


"Aalis, nagkamali lang kami ng nilakaran." nakatiimbagang niyang sabi saka muling lumakad.


"Badong!" malakas akong napatili nang bigla na lang siyang bumulagta papalayo sa akin.


"Bastos ka naman pare eh! Tinatanong ka ng maayos eh." isa pang lalaki ang lumakad papalapit sa kanya habang pinapatunog ang mga daliri.


Pak!


Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa mukha niya na kahit ako lihim na napamura sa sakit na gumuhit sa palad ko.


"Tang---!" mabilis na bumaling sa akin ang lalaking sumuntok kay Badong.


"Tarantadang babae ka!" mabilis siyang humakbang papunta sa akin na naka-amba ang kamay mabilis kong hinanda ang sarili ko pero bago pa siya makalapit isang malakas na sipa ang tumama sa tagiliran niya.


"Hayop ka! Wag kang lalapit sa kanya!" humihingal na humarang sa harapan ko si Badong kita ko agad ang mabilis na pangingitim ng pisngi niya bunga ng pagkakasuntok sa kanya.


Umubo ng sunod-sunod ang lalaking sinipa si Badong habang nakatingin sa amin ng masama.


"Ano pare? Kaya pa?" tawang-tawa naman ang kasama nitong unang lumabas habang umiiling.


"Wag ka kasi masyadong sabik... Mapapaligaya din tayo ni Miss, Ganda" nakangising demonyo na ang isang lalaki.


"Magkamatayan muna bago ninyo siya mahawakan." matigas na wika ni Badong.


"Mag-iinggat ka sa sinadabi mo baka pagsisihan mo iyan." mula naman sa isang posteng malamlam ang liwanag ay lumabas ang isang lalaking may mga tatoo sa katawan kasunod ang ilang pang kalalakihan sa likuran niya.


Sa isang iglap lamang ay nakayakap na sa akin si Badong, maging ako ay sobrang higpit ng hawak sa kamiseta niya.


"Pero kahit hindi mo hilingin iyan, darating tayo sa puntong bibilangin mo na ang paghinga mo!" saka siya tumawa ng malakas kasunod ng mga kalalakihang kasama niya.


Huminga ako ng malalim para alisin ang nakabarang takot sa dibdin ako.


Alam na alam kong nararamdaman ni Badong kung gaano kalakas ang kabang aking nararamdaman.


Gusto kong sumigaw, gustong kong umiyak ng malakas.


Ano bang kamalasan ang meron ako at hinahabol ako ng mga taong hayok sa laman? Ano bang nagawa ko at sa loob lang ng bente kwatrong oras ay nasa ganitong pangyayari naman kami ni Badong.


"At sa palagay mo, hahayaan kong mangyari iyon?" nakangising balik ni Badong.


"Matapang ka ah, hanggang saan naman kaya ang itatapang mo kung habang pinapatay ka namin sa gulpi ay pinapatay naman namin sa sarap iyang kasama mo." saka siya tumitig sa akin ng puno ng pagnanasa.


"Mamamatay muna ako bago mo mahawakan kahit dulo ng buhok ko!" malakas kong sigaw sa kanya.


Siya... Siya yung lalaki sa karindiryang kinainan namin, siya yung lalaking dapat iwasan namin ni Badong pero heto at kami ang nahanap.


Isang nakakadiring tawa ang pinakawalan niya saka humakbang papalapit sa amin.


"At sa palagay mo, mapipigil ng kamatayan mo na pagsawaan ko ang katawan mong iyan?" saka niya ako malakas na hinatak palayo kay Badong.





---oOo--


Pls Vote and Comment ^___^

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGWhere stories live. Discover now