57

22 1 0
                                    

Third Person Point of View

Ganun ba talaga ang tadhana? Gumawa ng paraan para magbalikan ang mga taong kinalimutan na ang isa't-isa?

Sa paraang aksidente pa.

Nakakatawa diba? Kung pwede naman makipagbalikan, pwede naman sa matinong paraan.

Nakakatanga ang tadhana.

Iyon ang mga salitang umiikot sa isipan ni Jungkook. Alam na niya ang lahat kaya napagdesisyonan niyang mapagisa muna. Nahihiya kasi siya sa ginawa niya noon. Nahihiya siya dahil wala pa ito sa tamang edad ng maaksidente ito.

Napatingin siya sa lumang account niya. Inactive 2 years ago iyon at hindi niya ito ginagamit. Puro tag ni Carmela ang nasa timeline nito kaya naman medyo napapaluha na siya.

Madaming masasayang alaala ang nasa timeline niya. Kung paano naging sila, monthsary, anniversary, celebrations, dates, at kung ano-ano pa.

Lahat naalala niya ng dahil sa account na iyon. Pati ang paghihiwalay ng pamilya niya, naalala niya.

Nasa isang riverside si Jungkook kung saan dito sinagot ni Carmela noon si Jungkook. Hindi niya makakalimutan ito dahil isa ito sa mga magandang nangyari sa buhay niya. Nakaupo siya sa isang upuan habang nakatitig sa bawat messages ng kaibigan niya. Pati na rin ang taong mahal na mahal niya.

"Jeongguk." May tumawag mula sa likuran niya at alam niya kung sino iyon. Jeongguk? Totoong spelling ng pangalan ni Jungkook.

Nakaramdam ito ng kamay sa balikat niya at alam niya kung kanino iyon. Ilang beses na niya ito nahawakan. Kaya saulo na niya ang detalye nito.

Agad itong niyakap si Carmela na luhaan na. Niyakap naman siya pabalik ng mahigpit na halos ayaw na nilang pakawalan ang isa't-isa.

"Sorry Guk for lying. I'm sorry." Pagpapaumanhin ni Carmela kay Jeongguk.

"I'm sorry for the doubt, Mela." Pagpapaumanhin naman ni Jeongguk.

"I'm sorry the years I wasted. I'm sorry If I didn't remember you with all those years."

"I understand, Guk. I'm sorry for the break-up. I still love you no matter what."

Kumalas si Jeongguk saka binalikan ang kahon na hindi niya naibigay. Nagulat si Carmela sa ibinigay niya bago mapangiti si Jeongguk.

"Happy 3rd Anniversary, Kreme. Thank you for coming back."

"Happy 3rd Anniversary, Kookie. Thank you for accepting me again."

TwitterWhere stories live. Discover now