17

50 2 0
                                    

Carmela's Point of View

Hanggang ngayon hindi ko parin talaga alam kung tama ba ang ginagawa ko. I mean, napaghalataan ko na may amnesia siya dahil nga naaksidente siya sa kagagawan ko. Ang tanga ko diba? Sobrang tanga ko

"Kreme? Nandito ka ba?" Tawag sa akin ni Jungkook mula sa gate namin. Nandito kasi ako kwarto ko. Bihis na at nakaready na. Inaalala ko lang kung hindi ba sasakit yung ulo niya kapag nakita ako? Nakakakaba.

Napahinga muna ako ng malalim bago puntahan siya sa baba. Gusto ko umiyak at yakapin siya ng mahigpit dahil miss na miss ko na talaga siya. Sana naman kahit konting alaala namin, alam niya.

Nanginginig akong nakahawak sa doorknob. Huminga ulit ako ng malalim bago buksan ng tuluyan ang pinto. Nagkatinginan kami ni Jungkook at duon na kami nagkatitigan. Yung tipong nakikilala niya ako.

"Sorry medyo natagalan." Pagpapaumanhin ko kay Hoseok at Jungkook. Nakatitig parin siya sa akin kaya halos matunaw na ako dito.

"Jungkook, ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya para maputol yung katahimikan sa pagitan namin.

"Okay lang ako. Medyo nahilo lang ng kaunti." Sagot niya kaya medyo nag-alala ako.

"Ayos ka na? Baka mamaya matumba ka bigla eh." Tanong ko muli sa kanya dahil hindi ko maiwasan ang pag-aalala.

"Ayos lang talaga ako, Kreme. Don't worry." Sagot ni Jungkook kasama pa yung callsign namin noon. Kookie and Kreme.

Sumakay na kami sa kotse at si Hoseok yung nagmamaneho. Actually, kilala ko ang grupo nila. Nagkakilala kami kasi pinakilalala niya ako sa kanila. Kaya lang hindi kami nagpapansinan kasi pinamumukha namin kay Jungkook na hindi kami magkakakilala.

• • •

"Tara Jungkook! Bili tayo non." Yaya ko sa kanya bago hilahin yung kamay niya. Nakakita kasi ako ng color pink na bunny. Teddy bear siya na pillow size.

"Ang cute niya Jungkook, diba? Gusto ko bilhin." Sabi ko habang yakap-yakap yung teddy bear na iyon, "Kaso mahal."

"Libre ko na." Sabi niya saka ako hinila papunta sa counter. Yung kamay namin! Shet! Pwede ba tumili muna saglit dahil sa kilig?

Pagkatapos niya bayaran ang teddy bear na iyon. Parang nakonsensya ako. Mahal kasi yung teddy bear na iyon at paniguradong original yun.

"Bakit?" Tanong ni Jungkook sa akin na kumakain sa harap ko dahil nagugutom na kami. Puta, wala na nga palang kami.

"Nagiguilty kasi ako. Mahal itong teddy bear na ito tapos nilibre mo pa ako." Sagot ko sa kanya pero nginitian lang niya ako. Yan nanaman siya. Pinapakita nanaman niya yung bunny smile niya.

"Jungkook." Tawag ko sa kanya, "Can I call you Kookie instead?" Becareful of your words Carmela. Baka iyan pa ang dahilan kung bakit sumaskait yung ulo niya.

"Uhh... sure. Malapit sa pangalan ko." Sabi niya habang nakathumbs up at nakangiti sa akin. Sa totoo lang gusto kong umiyak ngayon dahil ngayon ko na lang ulit siya nakita makalipas ang dalawang taon. Bakit ko pa kasi siya hiniwalayan?

Thank you for finding me, Jeon Jungkook.

TwitterWhere stories live. Discover now