49

18 2 0
                                    

Third Person Point of View

Tahimik na nakatingin si Jimin sa mga kasama niya sa salas. Hindi na nito alam ang gagawin dahil matagal na nitong tinatago ang totoong sitwasyon ni Jungkook. Gusto na nito sabihin kay Jungkook at tinatago niya pero hindi niya magawa dahil alam na nito ang mangyayari.

"Mga hyung!" Tawag ni Jimin sa kanila habang lumalapit ito sa kanila.

"Namjoon hyung, hindi ko na talaga kaya itago." Panimula ni Jimin kaya lalong naguluhan ang kasama.

"Sasabihin mo na?" Tanong ni Namjoon sa kanya kaya napatango ito.

"Alam kong alam nyo na girlfriend noon ni Jungkook si Mela. Pero may hindi pa kayo nalalalaman." Sabi niya kaya lalong naguluhan ang kasama.

"Pati kami? Hindi namin alam?" Tanong ni Hoseok sa kanya.

"Sorry hyung. Ayaw ko kasi na malaman ito ni Jungkook ng wala sa oras." Pagpapaumanhin nito.

"Alam nating lahat na mahilig gumawa ng tula si Jungkook. Noon, gumagawa na siya ng tula para kay Carmela pero dahil sa nangyari, hindi na naibigay." Paliwanag ni Jimin.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jin.

"3rd Anniversary nila bilang magkasintahan. Nakita ko si Jungkook na nag-aabang sa gilid ng kalsada. May dala itong kahon na ngayon ay tinatago ko."

"Dumating si Mela na umiiyak. Syempre, nagulat si Jungkook sa nangyari. Yayakapin sana nito pero biglang siya tinulak ni Mela kaya nahulog yung kahon. Hindi talaga alam ni Jungkook ang nangyayari noon pero ang alam ko."

"Nakipaghiwalay si Carmela sa kanya."

"Iniwan ni Mela si Jungkook na luhaan kaya napagdesisyonan ni Jungkook na kalimutan ang nangyari. Paano? Sa bar."

"Iniwan niya ang kahon sa lupa kaya kinuha ko iyon at pinulot. 2 years kong hindi iyon binuksan kasi alam kong magbabalikan pa sila."

"At yun nga, nagbalikan nga pero may amnesia na si Jungkook."

"Sinundan ko si Jungkook sa bar at hinintay. Nang nakalabas siya, lasing na lasing itong pumasok sa kotse niya. Gusto ko sana siya pigilan pero agad niyang binuksan ang makina ng kotse at pinaandar."

"At doon na nangyari ang hindi natin inaasahan."

"Kaya pala ganun si Jungkook ng dalawang taon." Sabi ni Hoseok habang gulat na gulat.

"A-Anong sabi mo H-Hyung?" Agad silang lumingon kung saan nanggaling ang tanong. Nataranta si Jimin dahil hindi nito inaasahan na makikinig si Jungkook.

"Na-Narinig mo lahat?" Kinakabahan na tanong ni Jimin kay Jungkook.

"Ex ko si Kreme? Siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito? Siya ang dahilan kung bakit kayo nagsinungaling sa akin noon? Siya ba ang dahilan kung bakit ako nagaksidente?" Sunod-sunod na tanong ni Jungkook sa kanila.

"Oo. Siya nga." Tipid na sagot ni Jimin habang nakatungo.

"Punyeta! BAKIT HINDI NYO SINABI?!" Pasigaw na tanong ni Jungkook sa kanila.

"Si Jimin lang ang nakakaalam. Kakanina lang namin nalaman." Sagot ni Hoseok kay Jungkook.

"Nasaan yung kahon?" Tanong ni Jungkook.

Umakyat ng kwarto si Jimin para kuhanin yung kahon. Binigay niya ito kay Jungkook at muling nagsalita, "Ibibigay mo dapat iyan kay Carmela. Kaso hindi mo nabigay dahil nabitawan mo ito at iniwan."

TwitterWhere stories live. Discover now