14

51 2 0
                                    

Third Person Point of View


Pupunta sana si Jimin sa kusina para kumuha ng pagkain para sa kanila pero napansin nito si Jungkook na nakangiti sa cellphone niya. Nagtaka na si Jimin kung sinong kausap nito.

"Sinong kausap mo?" Tanong ni Jimin sa kanya kaya napatigil sa pagchat at tumingin kay Jimin.

"Kaibigan ko." Tipid na sagot nito.

"Baka nililigawan mo. Kung makangiti ay halos wala nang bukas." Sabi ni Jimin sa kanya bago hinanggit ang cellphone ni Jungkook.

"Akin na nga iyan!" Sabi ni Jungkook habang kinukuha niya ang cellphone niya mula sa kamay ni Jimin.

Nagulat si Jimin sa nakita at napatigil siya kaya madaling nakuha ito ni Jungkook. Hindi pwede, hindi sila kailangan magbalikan dahil masasaktan si Jungkook. Yun lamang ang laman ng utak ni Jimin sa ngayon.

Hindi na niya pinansin ang nagtatakang si Jungkook. Agad siyang pumunta sa kwarto ni Namjoon at mabilis naman itong binuksan ni Namjoon.

"Hyung." Tawag ni Jimin sa kanya, "May problema tayo."

"Ano?" Tanong ni Namjoon sa kanya.

"Si Jungkook, makikipagkita kay Carmela."

TwitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon