11- Thanks Teacher

Start from the beginning
                                    

"Ate, wala na rin si ate Jane?" Sinabi nito na malungkot

Pero matapos ang limang minuto, nahimasmasan na rin ako kahit papano sa mga nangyari at bigla akong nilapitan ni Carly

"Guys! Punta kayong lahat dito please" Sabi nito, at pati si ma'am Linda ay pumunta rin

"Nakita ko ito sa principal's office kanina" Sabay binuksan ang folder at pinakita sa aming lahat ang papel

"Biodata? Wala naman akong matandaan na kinuhanan tayo nang ganyan ah" Sagot ni Erika

"Yun din ang pinagtataka ko" Sabi din ni Carly

Inisa-isang tignan ni Carly ang biodata naming lahat, at nagulat kami na bakit may anim pa na sobra

-----

[Carly's POV]

Tinignan ko isa isa ang anim na biodata na nahuli, at halos napatakip ako ng bibig ko nang makita ito

Agad kong sinabi sa mga kasama ko

"May mga estudyante pang papasok dito guys, anim sila" Sabi ko at tila gulat na gulat ang iba kahit si ma'am Linda ay gulat din

"Pero, wala akong alam na may mga estudyante na papasok" Sabi ni ma'am

"Kung ganon, nilihim nang principal natin ang lahat, may mga anim pa pala na papasok dito" Sabi naman ni Bea

At tinignan kong mabuti ang biodata nila, ikinumpara ko ito sa amin, nakita ko na magkaiba nang date ang start nang klase nila, mas nauna kaming pumasok kesa sa kanila

"Iba palang date ang nakalagay sa kanila kaya wala pa sila, sa atin August 19, pero sa kanila August 23" Sabi ko naman

"Uhm Carly, pwede mo bang basahin isa-isa ang mga pangalan nang mga estudyanteng yan" Sabi sa akin ni ma'am Linda

"Sige po ma'am, eto ang una"

"Siya si Ahran Cho, half filipino at half korean, 16 years old, ang teenager cook, babae siya"

"Pangalawa si Ariana Stefani, half filipino at half american, 17 years old, siya ay isang photographer, babae din"

"Pangatlo si Aubrey Soriano, full filipina siya, 15 years old, siya ay K-pop dancer, still, babae din"

"Pangapat si Adhara Ramos, full filipina rin, 16 years old, siya ay isang math lover student, babae ulit at siya ang pinakatatlong Ramos na magiging estudyante"

"Panglima si Patricia Payumo, full filipina, 15 years old, siya ay isang gamer, babae parin"

"At ang pinakahuli ay si Jainee Vioulto, hindi ma-identify ang kaniyang nationality, 17 years old, siya ang baker, at babae din"

"Lahat sila ay babae, bakit kaya wala man lang lalaki kahit isa?" Tanong ko

"Ah! Baka yan yung nakita kong papel na nakaenvelope sa bodega kanina" At agad inabot ni Daylin ang papel sa akin

Nakita ko na may nakasulat na SIX GIRLS MORE tanging yun lang ang sulat, at nagsalita nalang ako

"Guys ano na bang date ngayon? August 19 tayo pumasok dito, at pang-apat na araw na natin to, so 22 ngayon nang gabi, bukas na pala ang pasok nila dito" Sabi ko nalang

"Baka yan ang ibig sabihin nang six girls more na nakasulat sa papel" Sabi naman ni Bea

"Teka, nakita niyo na ba si Julian?" Tanong ko sa kanilang lahat

School 26 UniversityWhere stories live. Discover now