Ikalabing-isang Tugtog

15.1K 445 51
                                    

I won't make promises but I guess... I am back?

Lahat ba to panaginip lang?

Kahit kailan, kahit minsan sa buhay ko ay hindi ko naisip na sasabihin niya sa akin ang mga sinabi niya kanina. Every word he said was surreal.

Kahit sa panaginip ko... I never dared to dream about it.

Parang joke nalang lahat, sino ba magaakala na ang simpleng panandaliang pagbabalik ko ay magdudulot ng ganito?

"You are spacing out again."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong boses.

I bit my lower lip and smiled bitterly. Tinignan ko si Clyde na abala sa pag papark ng sasakyan habang ang dalawang kilay ay magkasalubong.

"I am not. May naisip lang sandali." I reasoned out.

"What are you thinking about?" May pagaalala niyang tanong.

Sandali akong natigilan sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. In full honesty, kaya ko naman sabihin pero ayaw kong magkamali siya ng intindi.

I can't even understand myself yet, how can I make him understand?

"Hmmm... I was thinking about... h-how—to deal with your cousins."

I closed my eyes tightly for I wasn't happy with my answer. I am not proud of it nor proud of the fact that I lied. I hate lying... but here I am doing it a lot.

Clyde, forgive me.

Lord, forgive me for not telling him the truth.

I can sense that he was not buying it. Nanahimik siya ng ilang segundo at sa pagkaka-kilala ko sa kanya ay hindi niya ipipilit ang nasa utak niya. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba iyon o hindi— na siya ang tipo ng tao na marunong makiramdam.

Alam kong dama niya na ayaw ko mag sabi at alam ko rin na gagalangin niya 'yon.

He successfully parked the car and remained still for a minute. Kahit ako ay nanatili ang tingin sa labas upang takasan ang responsibilidad na harapin siya gayong bakas sa mata ko na maraming tumatakbo sa utak ko.

"Okay..."

He sighed.

My heart felt heavy. "Clyde—"

"Bakit mo naman iniisip kung paano sila haharapin?" Pag-putol niya sa sasabihin ko.

I looked at him and I saw that he is trying his best to sound that he really believes my answer. Ngumiti pa siya sa akin at mas lalong nanakit ang puso ko.

Alam ko na pinangako namin sa isa't isa na magiging maintindihin kami sa kung anong meron kami pero hindi ko mapigilan makonsensya dahil hindi ko masabi-sabi sa kanya ang tumatakbo sa isip ko.

I don't want to say anything for now. Sa kahit kanino. Gusto ko sarilihin muna ang lahat, habang magulo pa. Isa pa, ayoko na dumagdag sa mga iniisip niya. Masyado na niya akong bitbit sa lahat ng bagay, ayokong makadagdag pa 'to.

"Hindi ko lang alam kung paano sila haharapin pagkatapos ng maraming taon. Naging malapit din ako sa kanila, Clyde. Hindi ko alam kung anong iniisip nila tungkol sa akin ngayon. Before, I was Angelo's bestfriend who fell in love with him, who was broken, who suffers from unrequited love. Ngayon kaya... ano?" I said truthfully.

This time wala ng halos kasinungalingan ang mga sinabi ko.

Isa talaga 'to sa mga pangamba ko. They are not just Angelo's cousins for me, naging malapit din ako ng sobra sa kanila. They became part of my life too. They protected me more than Angelo, mas concern pa sila sa akin kay'sa sa kanya kaya mahalaga para sa akin kung paano nila ako tignan.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon