Ikadalawamput-walong Tugtog

3.7K 147 18
                                    

I am sorry

"Isabel! Lumabas ka riyan!"

Natigilan ako sa pagbaba sa hagdananan nang marinig ang boses ni papshie.

"Mag usap tayo!" 

Nandito si papshie?!

Mabilis akong kumaripas ng takbo pababa ng hagdanan para lumabas at patigilin siya sa pag gawa ng eskandalo lalo na at hindi alam nina lolo at lola ang nangyari! Pero, bago ako tuluyan makalabas ay muli akong tumigil sa paghakbang nang makita si mamshie na nakasandal sa may  main door ng bahay. Nakapikit siya habang basa ang kanyang pisngi buhat ng walang tigil na pag-agos ng kanyang luha.

"Ma..." tawag ko.

Minulat niya ang kanyang mga mata at puno ng hinanakit akong tinignan pero kalaunan ay nanlambot din iyon.

My mom...

...is in really deep pain. 

A pain I wouldn't even be able to understand, a pain I won't even imagine.

"Isabel!"

Nakarinig ako ng ilang pag-dadabog sa gate namin.

"Paalisin mo ang tatay mo, Liazabel. Baka maabutan pa siya ng lola at lolo mo, nagpacheck up lang sila kasama ang Tito Jude mo." Matigas niyang utos.

Napaawang ang labi ko, may gusto ako sabihin pero hindi ko magawa dahil ayoko makapag sabi ng kahit anong makakapanakit sa kanya.

"Oh... okay po ma, ako na po bahala. Umakyat na muna po kayo... hmm..." napabuntong hininga ako sa kirot na naramdaman sa puso ko. "I'll tell you when he's gone," 

Parang tinuturok ang puso ko.

To protect my mom means to push my dad away. Is this how it is from now on?

Hindi sila pwedeng magsama sa iisang lugar, kung nariyan ang isa, wala dapat ang isa...

Mabagal siyang lumayo sa pintuan at nanghihinang naglakad paalis, paakyat sa kwarto namin sa itaas.

Dala-dala ang mabigat kong puso, itinulak ko ang sarili ko palabas ng main door at palabas ng gate. Nakakalungkot isipin na kagabi, lumabas ako rito para makita ang lalaking tumulong sa akin mabuo ang puso ko, pero ngayon lumalabas ako para makita ang lalaking higit na bumasag sa puso ko.

"Pa," mahina kong bati sa kanya.

"Anak!"

Tuwing nakakabasag tayo ng mga baso o plato, agad natin itong nililinis dahil baka masugatan tayo ulit, mabubog... pero ngayon parang nabububog ako habang nakikita ang malalalim niyang mata, habang nakikita ang mga ito na namamasa at namumula.

He looks so tired. 

"Pa,"

Gustong gusto ko siya yakapin at tulungan...

"I am sorry po," garalgal ang aking boses. "Hindi pa po handa si mamshie na kausapin ka, hindi pa ngayon, hayaan niyo muna po siya..."

Naikuyom ko ang mga palad ko tila mapipigilan nito ang pananakit ng puso ko.

"Pa, kilala mo si mamshie, kapag sinabi niya na kailangan niya ng oras, ibig sabihin kailangan niya talaga muna 'yon. Hindi naman po ibig sabihin nito ay hindi na kayo mag uusap, oras lang ang kailangan muna..."

Ilang iling ang ginawad ni papshie at mabilis akong nilapitan para mahawakan ako sa aking magkabilang balikat.

Desperation, that is what I see from him.

"Lia, hindi pwede, kailangan ko siya makausap," Ilang luha muli ang nagsitakasan sa mga mata niya. "Umuwi na kayo sa atin, ayusin natin 'to... maawa ka, hindi ako pwede iwan ng mama mo, hindi niyo ako pwede iwan, hindi... hindi ko kaya..."

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon