Ikatatlumput-limang Tugtog

3.7K 132 9
                                    

I am home

"Hmm, Clyde?"

"Yup?" Lingon niya sandali habang nag ma-maneho.

"Yung mga iniinom mong gamot? Para saan ang mga 'yon?"

Naalala ko, madalas ko na napapansin ang gamot na iniinom niya dahil halos araw-araw na kami mag kasama ngayon. Sometimes he'll pick me up from rehearsals, minsan naman pupuntahan niya lang ako sa bahay o hindi kaya tatawagan lang ako para lumabas.

We've grown comfortable with each other, at wala akong problema doon. Vocal naman siya na ayaw niya mag-isa at sa ngayon, siya lang talaga mag-isa dito sa Singapore. Naging malapit na rin siya sa mga kuya ko, tama nga ako na makakasundo niya sila. They all play basketball sometimes, o di kaya sumasama sila sa kanya sa pag work out. 

Masaya ako sa kung anong meron kaming pagkakaibigan. I am at peace, hindi ko maalala ang huling beses na nag overthink ako, natuto ako maging spontaneous sa mga bagay, hinahayaan ko nalang lumipas ang mga araw ngayon.

He taught me... how to live in the moment.

To not be scared on what hides behind tomorrow.

But to be happy for today.

He laughs at the most silly things and is calm when there is a problem.

Kaya alam ko na matibay si Clyde. He grew up well. Na ma-manage niya ang emotions niya, kaya alam ko, kapag nalulungkot siya, malamang malalim ang dahilan.

Parang... mga bagay o taong mahalaga sa kanya lang naman ang kayang pa-lungkotin siya.

Pero sa mga ibang maliliit na bagay, he doesn't let it get to him, yun ang pinaka natutunan ko na rin sa kanya.

Pakiramdam ko mas naging mature ako.

"Oh... hmmm, napansin mo na pala? Did it scare you?"

Maagap akong umiling at ni-gilid ang sarili ko para mas maharap pa siya.

"Hindi, naalala ko lang, napansin ko kasi... at syempre—"

"Nag-alala ka?" Taas kilay niyang tanong.

"Oo naman," mahina pero seryoso kong tugon.

Ewan ko ba... nakaramdam ako ng kung ano sa tyan ko dahil sa tanong niya.

Parang nakarinig tuloy ako ng 'krukru... krukru...' sa paligid.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pag-tikhim niya. Binalingan ko siya ng tingin at kita ko ang pag-lobo ng pisngi niya.

Anong ginagawa niya?

Ginagawa lang 'yon ng mga bata, nakikita ko yun ginagawa ng mga pamangkin ko tuwing pinupuno nila ng tubig ang mga bibig nila.

"Ano ba 'yon, hindi mo ba pwede sabihin?" Muli kong tanong at hindi na naiwasan ang pag-aalala sa tinig ko.

I tried to hide it, pero mahirap talaga itago kapag totoo.

Nag-alala talaga ako nang mapansin ko na ang pag-inom niya ng gamot. Lalo na tuwing mag didinner na, panigurado ay iinom siya 'non. I drink vitamins and medicines especially if may lagnat ako pero siya... parang maintenance sa dalas kong napapansin 'yon.

"Hmm, 'wag ka na mag-alala, it's under control."

Kumunot ang noo ko. "Ano ba kasi 'yon?" Kalmado pero mas desidido ang boses ko sa tanong na 'yon.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon