"Come on! I'll crash you into pieces first!"

Bulyaw niya pabalik.

"Bakit ka ba nangingialam? Tapos na kayo diba? You still love her, do you?"

Natigilan si Yeonjun sa sinabi ni Lucas sunbae. I looked at him. The next thing I knew, I'm anticipating for his answer. Bigla akong kinabahan.

"Oh? Bakit di ka makasagot? You still love her, am I right? Am I right Yeonjun?"

"YES,  I STILL LOVE HER. SO WHAT?! ARE YOU HAPPY NOW?!"

He shouted. Natahimik ang buong canteen. Everyone is shocked lalo na yung mga taong alam na mayroong kami. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Tama ba yung narinig ko? Mahal pa rin niya si Mara unnie.

Umalis ako ng canteen. Yeonjun called my name pero napunta lang yun sa binging tenga. Umakyat ako sa hagdan papunta sa rooftop. Nagiging blur na yung vision ko dahil sa luha. Kumukirot na naman ang puso ko. Hajima.... Stop breaking like this. Pinapatay mo ko eh.

Agad akong umupo at napahagulhol nung nakarating na ako sa rooftop. So all this time, wala pala talaga siyang nararamdaman sakin? Ginawa niya akong rebound? Oo nakalimutan ko... Second option lang pala ako sa buhay ng iba... Never naman akong naging number one eh.

Naramdaman ko na lang ang isang presence sa gilid ko. I looked up and saw Soobin. Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Alam mo tama ka eh, wala akong alam sa nangyayari pero kung makapagsalita ako parang alam ko na ang lahat. Sino ba naman ako para tawagin kang tanga kung in the first place mas tanga naman ako kumpara sayo. Sagad na nga ata yung katangahan ko eh."

Sabi ko sa kanya habang umiiyak. But then, bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap.

"Just cry Suri... Cry it all out."

Ani niya. I hugged him back. Napahagulhul ako ng iyak sa bisig niya. For the first time, I feel so secured in someone's arms. For the first time, hindi ako nag-alangan na ibuhos lahat ng luha ko. I'm broken but I'm okay because finally someone is here with me na handa akong damayan. And I never thought that the person who will give me that is him... Choi Soobin.

Soobin;

I caressed Suri's hair as she keep on crying in my embrace. I feel so guilty for entrusting him to hyung. Kung hindi ko sana sinabi kay hyung yung feelings ni Suri sa kanya eh di sana hindi na humantong pa sa ganito.

"Shhhh..."

I murmured to Suri's ear. Nababasa na yung uniform ko pero di na lang inalintana yun. It takes 20 minutes bago kumalma si Suri. Nakaupo kami sa bahagi ng rooftop kung saan hindi kami natatamaan ng araw. Nakatingin lang siya sa langit.

"Ang ganda ng panahon ngayon."

Komento niya. I looked at her. A simple smile is plastered on her face. Pero naglaho rin ang ngiting yun. Yumuko siya.

"Sorry... Alam kong nasaktan kita kagabi dahil sa sinabi ko."

I patted her head and gave him a smile.

"It's okay. I know that you don't mean it and I'm sorry too for being so stubborn. I realized that you had a point. I can't hide this relationship with Lia forever. But let me handle this okay? You don't have to worry about me. Kaya ko ang sarili ko."

She gave me a weak smile. Tumingin ulit siya sa langit.

"Buong buhay ko, palagi na lang akong second option. Yung mga naging karelasyon ko dati, iniwan ako dahil sa ibang babae. Yung iba naman pinagtripan lang ako at ginawang pustahan. Saklap no? Pakiramdam ko kaya hindi ako pinipili kasi di ako sapat. Kasi di ko kayang ibigay yung mga bagay na kayang ibigay ng iba."

She said at bumaling sakin.

"Soobin-ah, alam kong wala akong masyadong alam sa inyo ni Lia pero kung masaya ka sa kanya di na kita pipigilan. Pero siguraduhin mo na yung pagmamahal na meron kayo ay totoo. Minsan kasi nabubulag tayo sa pagmamahal natin sa isang tao. Handa tayong magpakamartir to the point na nakakalimutan na natin yung sarili natin. Tandaan mo, hindi sa lahat ng panahon kailangan nating ipaglaban yung mahal natin. Minsan, kailangan din nating sumuko at magsakripisyo. Lalo na't yung tao na yun ay hindi nakatadhana para sa'tin."

I became quiet. She is right. Love is also a sacrifice. But I just can't. I'm too weak to lose her. She is the solemn reason why I live. I know, I'm exaggerating but it's true.

"Too much for the talk. Let's go back, our next class is about to start."

I said and stood up. I offered her my hand. She held her hand to mine and stood up. Sabay kaming naglakad papunta sa classroom.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now