Chapter 5

1.5K 53 10
                                    


Ingrid's POV

"Class dismissed." Kakatapos lang ng klase ko sa Chemistry Lab IX.

Hinubad ko na ang hairnet, mask at gloves saka itinapon ito sa infectious waste. Yung googles itinago ko na sa locker ko rito sa lab. Hinubad ko na rin ang labgown ko saka inilagay sa basket for autoclave.

I forgot to tell you that I'm studying for my masteral degree in the field of Chemistry in Hiroshima University.

After Lauren turned 5, dun ko napag-desisyunan na ipagpatuloy ang pangarap ko maging isang sikat na scientist that's why I took a 2-year masteral course. Jordan knew about this and he was very supportive since then.

Dapat sa Mafia University ako mag-eenroll pero sa kasamaang palad, hindi pa sila nag-ooffer ng course na Masters of Science in Chemistry kaya ang last option ko ay sa Hiroshima University.

Isa sa mga top performing schools ang Hiroshima when it comes to Science and Chemistry courses and the top 1 in rank for five consecutive years kaya dito ko napagdesisyunan na mag-enroll.

May kalayuan din ang Hiroshima University mula sa bahay kaya kinakailangan kong umupa ng unit. Ang hassle kasi kung uwian ako. Almost 2 hours ang biyahe. Jordan and I already talked about this kaya pumayag naman siya since dalawang araw lang ang pasok ko kada linggo.

Monday at tuesday nasa University ako then the rest of my time ay uuwi ako to spend my time with Lauren and Jordan.

Sa awa ng Diyos, I'm on my last year, second sem. Tapos ko na rin ang research kaya puro lab nalang ang subject ko ngayon. Minsan pa nga isang araw nalang ang pasok ko sa isang linggo kaya malimit na rin akong magstay sa unit na inupahan ko.

Next week na ulit ang susunod ko na pasok kaya makakauwi na rin ako sa wakas sa bahay namin ni Jordan. Napatingin ako sa bulsa ko nang bigla kong maramdaman ang pagvibrate ng phone ko. May nagtext.

Baby:
Nasa car park ako ng University.
I'm picking you up. I love you ❤️

Nagmamadali akong lumabas ng classroom. Bukod sa na-mimiss ko na siya for not seeing him for almost 2 days, ayoko rin siyang pag-antayin ng matagal. Nagiging OA kasi yun kapag nalate ako ng dating. Feeling niya may kung ano ng nangyari saakin.

Paliko na ako papuntang left wing when I accidentally bumped on someone. Sa kamalas-malasan, nahulog ko pa yung mga dala kong libro. Damn it.

"I'm very sorry, miss. I didn't mean to. Sorry hindi ako nag-iingat." Ani nung nakabungguan ko. He's helping me pick up my things na nahulog.

Pagkapulot namin sa mga gamit ko, nagkatinginan kami. He's tall but Jordan is much taller than him ng konti. Brown ang buhok nito, matangos ang ilong saka yung mata... Napaka-ganda ng mga mata niya. Kulay ash gray. Isama mo pa riyan yung mahahaba niyang pilik-mata at makapal niyang kilay. Wtf, Ingrid. Ano ba 'tong pinagsasasabi mo!? Stop complementing other man!

"It's fine." Sagot ko saka nilagpasan na siya.

Hindi pa ako ganun nakakalayo sa kanya nang bigla kong maramdaman ang sunod na galaw nitong lalaking nakabungguan ko kaya bago pa man niya ako mahawakan ay inikot ko ang sarili ko sa kanya saka itinulak siya sa dingding habang hawak ng kanan kong kamay ang kanyang kwelyo. My left hand was full because of the books that I was carrying.

"Don't touch me." Seryoso at kunot-noo kong sabi sa kanya. Yung boses ko tila binabantaan na rin siya.

"Hey, chill. Gusto ko lang naman magpakilala." Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko. Binitawan ko na siya. "I'm Zion by the way." Pakilala niya. Nakita ko pang inilahad niya ang kamay niya saakin. "You are?"

Conquering OASISWhere stories live. Discover now