Chapter 2

3.6K 93 16
                                    



INGRID

"Sandoval, Jordan Laurent." Sabi ni Jordan sa harap ng isang automated device.

Nandito kami ngayon sa harap ng higanteng iron gate papasok ng University premises and I must say, Headmaster Z did really upgraded the University's system into a whole new level.

Nung bagong salta palang ako sa Mafia University ay may haharang na ilang guards sa first gate para inspeksyunin ang sasakyan, ngayon pinalitan na nila ng voice activated system na iprinogram sa gate.

"Access granted."

Ang kaninang kulay pula na ilaw sa screen ng device ay biglang naging berde dahilan para marinig at makita naming bumukas ang gigantic iron gate. Nagkatinginan kami saglit ni Jordan bago pinaandar muli ang kotse papasok ng University premises.

Nang madaanan na namin ang gubat, sinalubong muli kami ng isang higanteng iron gate which is the final gate of the University. Tulad sa first gate, voice activated system na rin ito pero may nakabantay nang snipers sa magkabilang tower ng final gate. Mas pinahigpit na ang seguridad kumpara noon.

As the final gate opens, bumungad sa paningin namin ni Jordan ang Mafia University. Our precious Alma Mater.

After Jordan parked the car, agad na kaming nababa saka diretsong pumasok sa loob ng building. Bago at tila nirenovate ang ibang building especially yung Eastern building.

Hindi ko tuloy napigilang mapangiti habang magkahawak ang kamay namin ni Jordan habang naglalakad sa napakahabang hallway ng university. Bigla ko nanaman naalala yung mga panahong nag-aaral palang kami rito.

Habang naglalakad, pansin kong napapatingin sa direksyon namin ang mga estudyanteng nadadaanan namin. Hindi ko alam kung namumukhaan nila kami or sadyang ngayon lang sila nakakita ng maganda at gwapong bisita. Charot.

"Ingrid Chul?"

Sandali akong napahinto nang marinig ko ang pangalan ko. Napahinto rin si Jordan na nakakunot na ngayon ang noo. Tumalikod ako para hanapin yung tumawag sa pangalan ko pero---

"KYAAAAAAAHHH!! Siya nga si Ingrid Chul!"

Bahagya akong napangiwi nang biglang magkagulo ang mga estudyante nang makompira nila na kami nga yung inaakala nila kanina pa.

"Si Jordan Sandoval! Kuya Jordan, pwede po pa-picture?"

"Ate Ingrid, pa-autograph po ako please. Idol na idol po talaga kita."

"Ate Ingrid ako rin po!"

"Hindi ko ineexpect na makikita ko in person ang power duo!!"

Hindi na namin alam ni Jordan ang gagawin kung paano i-entertainin ang mga "fans" namin. Matapos kong makipicture sa isa ay may kasunod nanamang isang phone at nagpapa-autograph! Tinignan ko rin si Jordan and katulad ko, halos hindi na rin niya alam kung sino ang uunahin.

Hindi ko alam na ganito na pala kami kasikat sa Mafia University. Kahit sikat na noon si Jordan ay mukhang hindi niya napaghandaan ang ganitong klaseng level ng kasikatan na naeexperience niya ngayon. Feeling namin instant hollywood artist kami na pinagkakaguluhan sa red carpet! Hindi ko informed na ganito pala kagulo!

Conquering OASISWhere stories live. Discover now