Tinake ko yung favor ni Mrs. Ong. As if naman may choice ako diba. Nagpasalamat siya sakin. Nagbow ako sa kanya at tuluyan ng lumabas sa faculty room. Bumalik ako sa classroom at inilagay yung mga papeles sa desk. Uutusan ko na lang si Beomgyu mamaya na ibigay to kay Soobin. Total sila naman talaga yung TOTOONG close at alam niya rin kung saan nakatira yung tukmol na yun.

Soobin;

I'm working something on my laptop in when my phone rang. It is Suri calling. I answered her call.

"Yah Soobin-ah."

"Wae?"

"May ipinabibigay si Mrs. Ong na papeles sayo, tungkol daw to sa mga activities sa School Festival. Kukunin mo ba to o ipapahatid ko na lang kay Beomgyu to jan sa inyo?"

"Ipahatid mo na lang kay Beomgyu. Tinatamad akong pumunta jan lalo nat ikaw lang din naman yung makikita ko."

TOOOT TOOOT TOOOT...

She hanged up the phone. Napangiti na lang ako. She got pissed off easily. I find it cute though. But I'm cuter. I brushed my hair and continued what I'm doing earlier.

Actually, I'm doing a business right now. I'm planning to open a pastries shop. Since I extremely love bread, then why not start a business with it. I hope that this will be successful.

Suri;

Wala si Beomgyu sa classroom niya. Sabi ng classmate niya gumala daw siya kasama si Hueningkai at Taehyun. Sinubukan ko siyang tawagan kaso out of reach siya. Di naman ako makahingi ng tulong kay Yeonjun kasi may klase pa siya until 8 pm. Review Class nila yun para sa darating nilang exams next week.

"Osige, pano na'to? Ano ng gagawin ko dito?"

Kausap ko sa sarili sabay titig sa mga papeles. Tinawagan ko ulit si Soobin pero hayuf! Out of reach siya. Pinatay siguro nito yung phone niya. Napasabunot ako sa sarili kong buhok.

"Problema sakin ni Lord? Bakit niya ako ginaganito?"

Bigla namang pumasok si Hyuri sa room namin. Tinanong ko sa kanya kung alam niya yung address ni Soobin. Buti na lang at alam niya. Lumabas na ako ng campus at sumakay ng bus papunta sa subdivision kung saan nakatira si Soobin. Pagkarating ko dun agad kong tinanong si Manong guard.

"Magandang hapon po Manong, dito po ba nakatira yung pamilya Choi?"

Kumunot naman yung noo niya.

"Choi? Maraming Choi na nakatira dito sa subdivision hija."

Ani niya. Napakamot ako ng ulo.

"Ahm, eh Soobin Choi po. May kilala po ba kayong Soobin Choi na nakatira dito?"

"Ahh si Binnie? Oo dito siya nakatira. Bakit? Girlfriend ka ba niya?"

Napangiwi ako ng slight. Pag ba hinahanap ng isang babae ang isang lalaki magjowa na agad sila? Osige kuya, anong mga basehan mo para masabi mo ang bagay na yan? Tumawa na lang ako ng pilit.

"Di ako papatol sa tukmol na yun hayuf." bulong ko.

"Ano hija?" tanong ni Manong guard.

"Ahm wala po. Actually, di ko siya jowa. Classmate ko lang po siya."

Sabi ko sabay ngiti.

"Ganun ba? Hmmm sundin mo lang tong kalsadang to. Tapos pag may nakita kang itim na gate sa may right side, yun na yung bahay ni Binnie."

Ani niya. Pinapirma muna ako sa log book ni Manong guard. Nagpasalamat ako sa kanya at naglakad papunta sa bahay ni Soobin. Ang laki ng mga bahay na dinaanan ko.

"San na ba yung itim na gate?"

Kanina pa ako naglalakad pero hindi pa rin nagpapakita yung itim na gate. Nangangalay na yung kamay ko kakabitbit ng mga papeles. Bakit naman kasi ang dami nito? Ang bigat bopols!

After a long journey, nakita ko na rin sa wakas yung itim na gate. Huminto ako sa tapat ng gate. Nakasarado yung front door ng bahay. Ano bang dapat gawin? Malamang pindutin yung doorbell.

Pinindot ko yung doorbell sa gilid. Mga tatlong pindot din yung nagawa ko pero ni isang maid or kung sino man walang lumabas.

"Tao po?? May tao po ba jan??"

Sigaw ko mula sa labas pero wala pa rin. Sumigaw ulit ako pero wala pa rin. Waw! Just waw! Anong klaseng bahay to?? Tsaka san ba kasi si Soobin?

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Soobin. Pero out of reach pa rin ang kumag. Ihagis ko tong mga papeles sa gate nila eh. Sagad na yung efforts ko dito ha.

"Tao po?? Baka naman po may balak kayong pagbuksan ako!"

PEEEEEEEP!! PEEEEP!!

"Jusmiyo marimar!"

Napahiyaw ako sa busina ng isang sasakyan. Napatingin ako sa likod ko at nakita ang isang kulay itim na kotse. Lumabas mula sa driver sa driver seat ang isang lalaki.

Sheeeems! Ang gwapo. Nakasuit siya at nakahati yung bangs. Napaka pormal niyang tignan. Teka, parang kahawig niya si Soobin. Para siyang gwapo version ni Soobin. Legit.

"Sorry Miss, did I startle you?"

Tanong niya. Kinilig naman yung kaloob looban ko. Napaka manly ng boses niya. Inipit ko yung buhok ko sa aking tenga. (iSaNg dAlAgANg kOreAna yEah~) Pero siyempre di ako lalandi kasi loyal ako kay Yeonjun.

"Okay lang po hehe."

Nginitian niya ako. Ang pogi niya talaga hayuf!

"It seems like your looking for someone. Am I right?"

"Hinahanap ko po si Choi Soobin. May ipinapabigay po kasi yung teacher namin sa kanya."

"Oh? So you are looking for my brother?"

Tumigil ang mundo ko. Ano???? Kapatid niya si Soobin?? So ibig sabihin... Siya yung kuya niya??? Yung legit jowa ni Lia???? Jusmiyo marimar!!

"Anong ginagawa mo dito?"

Napatingin kami ng kuya ni Soobin sa may ari ng boses yun. Then we saw Soobin na halatang kakarating lang sa kung saan.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now